100 Million Images

We want to thank all of you for your continued support of Snapchat. Over 110 million images have been sent through our service! Woohoo! We couldn’t have done it without you.
Maraming nangyari nitong mga nagdaang linggo. Nasasabik kaming ianunsyo na dalawang mahuhusay at magagaling na engineer (at kaibigan) ang sumali sa team – maligayang pagdating Daniel at David! Kumuha rin kami ng kahanga-hangang tagapamahala ng komunidad, si Dena, na tumutulong na sa amin na makaalis mula sa ilalim ng napakalaking email backlog! Kung naghihintay ka pa rin ng support (pasensya na!) ipinapangako naming may paparating nang tulong.
Kasalukuyan kaming may sinusubok na napakabilis at masayang update na dapat lumabas na sa katapusan ng buwan. Malapit nang dumating ang pagbawi sa password, bug fixes, at mas mabilis na camera at pag-drawing sa iOS device malapit sa'yo! Mayroon din kaming top-secret na bagay na tinatrabaho.
Para sa mga fan ng Android – pinaghihirapan naming bumuo ng mahusay na karanasan sa Snapchat para sa lahat ng mga device mo! Hindi ito madali pero gusto naming masigurado na mahusay na produkto ito. Padalhan mo kami ng email kung interesado kang subukan ang pre-release na bersyon.
Pinakahuli pero hindi pinakamaliit – gusto naming magpasalamat sa lahat para sa inyong patuloy na suporta sa Snapchat. Mahigit 110 milyong larawan ang naipadala gamit ang serbisyo namin! Woohoo! Hindi namin magagawa ito kung wala kayo.
Balik sa Balita