A Story for Everything

Since we launched Stories in October 2013, Stories have evolved from singular, personal perspectives to include collective narratives created by our entire community with Snaps submitted to Our Story and curated by our team.
Mula noong inilunsad namin ang Stories noong Oktubre 2013, nagbago ang Stories mula sa mga iisa at personal na perspektiba, ito ay naging pinagsama-samang kuwento na ginawa ng aming buong community gamit ang Snaps na isinumite sa Story Natin at na-curate ng team namin.
Nagbigay ang Our Stories ng mga Snap sa likod ng eksena mula sa mga interesanteng kaganapan sa buong mundo — mula sa field ng Super Bowl hanggang sa tuktok ng Mount Everest! Paglipas ng panahon, ang bilang ng mga Snap na nilikha ng aming komunidad at idinagdag sa Our Story ay medyo sumobra para sa aming curation team — at naging inspirado kaming lumikha ng bago.
Gumawa kami ng bagong paraan para maunawaan ang nangyayari sa mga Snap na ipinapadala sa Our Story, at para gumawa ng bagong Stories gamit ang advanced machine learning. Nakamamangha ang mga resulta: maaari mong hanapin ang mahigit isang milyong natatanging Stories sa Snapchat!
Dagdag sa mga propesyonal na na-curate na Stories, maaari mong mapanood ang lokal na laro ng basketball, makita ang tanawin ng paborito mong bar, panoorin ang mga paborito mong Fashion Week show, makakuha ng inspirasyon sa malayong lugar, o basta mag-tap lang sa Story na puro tuta — may Story para sa lahat ng bagay!
Ang pinakamagandang bahagi ng Stories ay makita ang mundo sa mata ng ating komunidad. Madaling idagdag ang pagtingin mo — kumuha lang ng Snap at idagdag ito sa Our Story! Maaaring makita mo itong kabilang sa mga may kaugnayang Stories depende sa kung tungkol saan ang Snap mo.
Sisimulan namin ang Stories sa Search simula ngayong araw sa mga piling lungsod at sana masiyahan kayo rito tulad namin!
Back To News