Advertising on Snapchat

The best advertisements tell you more about stuff that actually interests you. Some companies spend a lot of time and collect a lot of data about you to figure that out. The product we’re releasing today is a lot simpler. An advertisement will appear in your Recent Updates from time to time, and you can choose if you want to watch it. No biggie. It goes away after you view it or within 24 hours, just like Stories.
Ngayong weekend na ito, maglalagay kami ng advertisement sa "Mga Kamakailang Update" para sa mga Snapchatter sa United States. Ito ang unang pagkakataon na gumawa kami ng ganitong bagay dahil ito ang unang pagkakataon na binayaran kami para maglagay ng content sa espasyong iyon. Kakaiba lang sa umpisa, pero gagawin namin ito.
Ang pinakamahuhusay na advertisement ay nagsasabi sa iyo ng higit pang impormasyon tungkol sa bagay na aktwal na kinaiinteresan mo. Naglalaan ng maraming oras at nangongolekta ng maraming data tungkol sa iyo ang ilang kumpanya para malaman 'yon. Higit na mas simple ang produktong ire-release namin ngayon. Paminsan-minsan, may lalabas na advertisement sa Mga Kamakailang Update mo, at makakapagpasya ka kung gusto mo itong panoorin. Walang problema. Gaya lang ng Stories, mawawala ito pagkatapos mo itong panoorin o sa loob ng 24 na oras.
Hindi kami maglalagay ng mga advertisement sa personal na komunikasyon mo – mga bagay gaya ng Snaps o Mga Chat. Talagang nakakabastos iyon. Gusto naming makita kung magagawa naming magbigay ng masaya at nagbibigay-impormasyong karanasan, gaya ng kung ano ang mga ad dati bago naging creepy at targeted ang mga ito. Nakakatuwa kapag nakukuha ng mga malilikhaing tao ang ating atensyon gamit ang magandang content.
Nauunawaan namin na maraming taong gustong malaman kung bakit kami magdaragdag ng mga advertisement sa serbisyo namin. Hindi naman siguro nakakagulat ang sagot – kailangan naming kumita. Nagbibigay-daan sa amin ang pag-advertise na suportahan ang serbisyo namin habang naghahatid ng maayos na content sa mga Snapchatter. Nangangako kaming gagamitin namin ang pera para patuloy na sorpresahin ang community ng Snapchat sa pamamagitan ng magaganda pang produkto – iyon ang gustong-gusto naming gawin!
Back To News