iOS Update: Bug Fixes and More

There’s a new iOS version available in the App Store today. It includes some critical fixes for bugs and crashes, so please download it if you’ve been experiencing issues.
Mabilis na lumalaki ang Team Snapchat ngayong buwan. Sa pagdating ng tag-araw nagdala ito ng mga summer engineering intern at iba pang bagong miyembro ng team. Ikinatutuwa naming makuha ang bilis ng pag-unlad!
Mayroong bagong bersyon ng iOS na nasa App Store na ngayon. Kabilang dito ang ilang mga kritikal na pag-aayos sa mga bug at pag-crash, kaya paki download ito kapag nakakaranas ka ng mga isyu.
Sumusubok din kami ng bago sa paglalabas na ito. Gaya ng maaaring alam mo, ang Snapchat ay para sa mga kabataan at nakatatanda– hindi pinahihintulutang gumawa ng account ang mga batang mas mababa pa sa edad na 13 Nagpakilala ng sistema ng pag-verify sa edad ang nakaraang update sa iOS, kung saan tinanong namin ang edad ng mga tao sa pag-screen sa pagpaparehistro at hindi namin pinayagang magpatuloy ang mga taong wala pang 13 taong gulang. Ito ang naging karaniwang paraan ng pangangasiwa sa mga bagay, pero hindi ito naging napakagandang karanasan. Kaya ngayon, dagdag pa sa paghihigpit sa edad, napagdesisyunan naming sumubok ng naiibang bagay.
Sa bagong bersyon ng iOS, maaaring makapagsagot ng registration form ang mga batang mas mababa sa edad na 13 gayunpaman hindi ipadadala sa amin ang user information nila at walang account na malilikha. Sa halip maaari nilang gamitin ang "SnapKidz" isang bersyon ng Snapchat na mayroong interface para sa pagkuha ng mga snap, pagka-caption, pagguhit, at lokal na pag-save ng mga ito sa device, ngunit hindi nito sinusuportahan ang pagpapadala o pagtanggap ng mga snap o pagdaragdag ng mga kaibigan. Sinusubukan muna namin ito sa iOS at kapag naging maayos ang lahat, inaasahan namin na maisama ito sa nalalapit na Android update.
Habang ginagawa namin ito, in-update namin ang aming Privacy Policy. Umaasa kami na magbibigay ang bagong bersyon ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga gawi namin. Pero huwag mag-alala, hindi namin binago ang paraan ng pangangasiwa ng iyong impormasyon, kabilang ang pag-iimbak at pagbubura ng snaps.
Binago rin namin ang aming Terms of Use upang maisaalang-alang ang SnapKidz at iba pang bagay na kailangang i-update. Babaguhin namin pana-panahon ang Mga Tuntunin sa Paggamit habang patuloy naming padadaliing basahin at unawain ito.
Happy Snapping!
Back To News