Bullying Prevention Month on Snapchat

We've designed Snapchat to be a place where people feel comfortable expressing themselves with their close friends and family. That's why we've never had public likes or comments, because they can create pressure to feel pretty or perfect when you're just trying to communicate with friends. We've also made it easy to choose who you want to talk to on Snapchat so that you won't be bothered by unwelcome noise.
Dinisenyo namin ang Snapchat para maging lugar kung saan magiging komportable ang mga tao sa paghahayag ng kanilang sarili sa kanilang malalapit na kaibigan at pamilya. Kaya hindi kami nagkaroon kailanman ng mga naka-publikong like o comment, dahil nakakadagdag ang mga ito ng presyur na maramdaman ang pagiging maganda o perperkto kahit na sinusubukan mo lang namang makipag-ugnayan sa mga kaibigan. Ginawa rin naming madaling piliin kung sinong gusto mong makausap sa Snapchat para hindi ka maabala ng hindi ginustong ingay.
Alam namin na sa kabila ng lahat ng iyon, nakakahanap pa rin ng paraan ang mga bully na gambalain tayo, kaya gusto naming iparating ang mensahe nang malakas at malinaw: walang puwang ang mga bully sa Snapchat. Ikinagagalak naming makipagtulungan sa Ad Council para suportahan ang Buwan ng Pagpigil sa Pambubully. Gumawa kami ng Filters, Stickers, at Snap Ads para magtaas ng kamalayan tungkol sa pambubully, maging online o
Kung sakali mang makatanggap ka ng Snap na pinaniniwalaan mong pambubully o nakakasakit, madali mo itong maiuulat sa mismong app. Pindutin lamang at i-hold ang Snap, at i-tap ang 🏳️ button. Ipaalam sa amin ang nangyayari — lagi naming gagawin ang lahat para makatulong! Mas marami ka pang matutunan sa aming Safety Center.
Happy Snapping!
Back To News