Chat 2.0

Today, we’re excited to introduce Chat 2.0. You can start by sending a few chats, and when your friend shows up, start talking or video chatting instantly with one tap. Your friend can simply listen if you want to sing them a song, or watch if you have a new puppy to show them. If they aren’t there, you can quickly send an audio note to say what you mean. And sometimes, a sticker says it best :)
Noong ilunsad namin ang Chat, layunin naming tularan ang pinakamahuhusay na bahagi ng tao-sa-taong usapan. Ang Chat 1.0 ay tungkol lahat sa dalang tuwa ng pagiging bahagi ng chat — noong panahong sinasabi sa iyo ng karamihan ng mga app na nagta-type ang kaibigan mo, sa Chat, ipinapaalam sa iyo na nakikinig ang kaibigan mo. Pagkalipas ng dalawang taon, marami kaming natutunan tungkol sa kung paano nag-uusap ang mga tao, pero hindi nagbago ang mga layunin namin. Gusto naming maging pinakamainam na paraan ang Chat para sa pakikipag-ugnayan — na pumapangalawa lang sa harap-harapang pakikipagkita.
Ngayon, nasasabik kaming ipakilala ang Chat 2.0. Makakapagsimula kang magpadala ng ilang chat, at kapag lumabas na ang kaibigan mo, magsimulang magsalita o makipag-video chat nang instant sa isang tap lang. Puwedeng makinig lang ang kaibigan mo kung may gusto kang kantahin sa kanya, o puwede rin siyang manood lang kung may bago kang tuta na ipapakita sa kanya. Kung hindi siya online, puwede kang mabilis na magpadala ng audio note para sabihin ang gusto mong sabihin. At kung minsan, pinakamagandang gumamit ng sticker para maiparating ang mensahe mo :)
Ang lubos na nagustuhan namin sa bagong Chat ay ang walang kahirap-hirap na paglipat sa anuman sa mga paraang ito ng pakikipag-ugnayan — kagaya lang ng kung paano ka harap-harapang nakikipag-usap. Kapag posible 'yon, hindi ka nagte-text, tumatawag, o nakikipag-video chat... nagsasalita ka lang. Matagal na naming ginagawa ang pagbabagong ito — gusto na naming marinig ang opinyon mo!
Ipinakikilala rin namin ang Auto-Advance Stories, ang pinakamabilis na paraan para makipagkumustahan sa mga kaibigan mo. Kapag natapos mo na ang isang Story, awtomatikong magsisimula ang susunod — mag-swipe lang para lumaktaw, o mag-swipe pababa para lumabas!
Panghuli, binabago namin ang aming Mga Palatuntunan at Privacy Policy, kung saan may ilang bagay kaming mas nililinaw pa, at gumagawa rin kami ng mga pundasyon para sa magagandang bagong produkto na paparating na. Tingnan ang aming bagong Privacy Center para sa higit pang impormasyon tungkol doon!
Back To News