2014 AXS Partner Summit Keynote

The following keynote was delivered by Evan Spiegel, CEO of Snapchat, at the AXS Partner Summit on January 25, 2014.
Palagi kong naiisip na medyo kakaiba na ang panahong ito sa kasaysayan natin ay tinatawag na panahon "pagkatapos-ng-personal na kompyuter"– kung kailan dapat talagang ang tawag sa kanya ay ang panahon ng "mas-personal na kompyuter.
May nabasa akong kahanga-hangang kwento kahapon tungkol sa isang lalaking nagngangalang Mister Macintosh. Isa siyang lalaking dinisenyo ni Steve Jobs na manirahan sa loob ng Macintosh computer nang ilunsad ito, 30 taon nang nakakaraan simula kahapon. Madalas siyang lumilitaw, nakatago sa likod ng pull-down menu o sumusulpot mula sa likod ng icon – mabilis at madalang lang na halos hindi mo maiisip na totoo siya.
Hanggang kahapon, hindi ko napagtanto na ang ideya ni Steve na magdugtong ng tao sa kompyuter ay nangyari nang napakaaga sa karera niya. Pero, noong panahong iyon, napilitang maiship ang Macintosh nang wala si Mister Macintosh dahil limitado lamang ang mga engineer sa 128 kilobytes ng memory. Nito na lamang mas huling bahagi ng karera ni Steve nang talagang ikabit niya ang tao sa makina – ang paglulunsad ng iPhone noong Hunyo 29, 2007.
Sa nakaraan, ang mga teknikal na limitasyon ay nangangahulugan na karaniwang makikita ang mga kompyuter sa mga pisikal na lokasyon: sa kotse, sa bahay, sa paaralan. Ikinabit ng iPhone ang kompyuter nang natatangi sa isang numero ng telepono – sa IYO.
Hindi pa gaanong katagal ang lumilipas, ang komunikasyon ay nakabatay sa lokasyon. Alinman sa nasa parehong kuwarto tayo na magkasama, na maaari tayong mag-usap nang harapan, o nasa magkabilang parte tayo ng mundo, na maaari kong tawagan ang opisina mo o magpadala ng sulat sa bahay mo. Nito lang nakaraan tayo nagsimula na ikabit ang mga numero ng telepono sa pagkakakilanlan ng mga indibidwal para sa layunin ng pagkalkula at komunikasyon.
Sinasabi ko ito para maipatunay na ang mga smartphone ay simpleng pangwakas ng paglalakbay ni Steve para kilalanin ang tao gamit ang makina – at dalhin ang panahon ng Mas-Personal na Kompyuter.
Mayroong tatlong katangian ng Mas-Personal na Kompyuter na partikular na nauugnay sa trabaho namin sa Snapchat:
1) Internet Kahit Saan
2) Mabilis + Madaling Paglikha ng Media
3) Pagkapanandalian
Noong magsimula kaming magtrabaho sa Snapchat noong 2011, laruan lamang ito. Sa maraming bagay ganoon pa rin naman ito – ngunit kung hihiramin ang mga salita ni Eames, “Ang mga laruan ay hindi kasing inosente ng hitsura nila. Ang mga laruan at laro ay pambungad sa mga seryosong ideya.”
Hindi na kailangang ipaliwanag ang dahilan sa paggamit ng laruan – basta't masaya lang. Pero ang paggamit sa laruan ay isang kamangha-manghang pagkakataon para matuto.
At talaga namang natututo tayo.
Ibig sabihin ng Internet Kahit Saan na ang lumang pagkaunawa natin na ang mundo ay hiwalay sa online at offline na espasyo ay hindi na naaangkop. Sa tradisyunal na social media, kinakailangang magkaroon tayo ng mga karanasan sa offline na mundo, i-record ang mga karanasang iyon, at i-post ang mga iyon online para mabalikan ulit at mapag-usapan ang karanasan. Halimbawa, magbabakasyon ako, kukuha ako ng maraming larawan, uuwi ako, pipili ako ng magagandang larawan, ipo-post ko ang mga ito online, at pag-uusapan namin ito ng mga kaibigan ko.
Ang tradisyunal na pagtingin ng social media sa pagkakakilanlan ay talagang medyo radikal: ikaw ang kabuuan ng nakalathala mong karanasan. Kilala rin bilang: pics o hindi nangyari.
O sa kaso ng Instagram: magagandang pics o hindi nangyari AT hindi ka cool.
Paniniwala ito na ang profile ay maraming katuturan sa dobleng karanasan sa online at offline. Dinisenyo ito para likhain muli kung sino ako online para makaugnay pa rin sa akin ang mga tao kahit na hindi ako naka-login sa mismong sandaling iyon.
Nagtitiwala ang Snapchat sa Internet Kahit Saan na makapagbigay ng lubos na naiibang karanasan. Sabi ng Snapchat na hindi tayo ang kabuuan ng lahat ng bagay na sinabi o ginawa o naranasan o inilathala natin – tayo ang resulta. Tayo ang kung sino tayo sa araw na ito, ngayon mismo.
Hindi na natin kailangan pang kunan ang "tunay na mundo" at likhain itong muli online – kailangan na lang nating mabuhay at makipag-ugnayan nang sabay.
Nakaasa ang komunikasyon sa paglikha ng media at nalilimitahan ng bilis ng paglikha at pagbabahagi ng media. Kailangan ng oras para ibalot ang mga emosyon, damdamin at saloobin mo sa media content tulad ng pagsasalita, pagsusulat, o pagkuha ng larawan.
Sa katunayan, palaging ginagamit ng tao ang media para maunawaan ang kanilang sarili at maibahagi sa iba. Ititira ko sa'yo ang Gaelic sa pagsasalin kay Robert Burns, "Ah nabibigyan tayo ng kapangyarihan, na makita ang sarili natin kung paano tayo nakikita ng iba."
Noong marinig ko ang sipi na iyon, hindi ko mapigilang maisip ang mga self-portrait. O para sa ating mga Millennial:ang selfie! Tinutulungan tayo ng mga self-portrait na maunawaan kung paano tayo nakikita ng iba – kinakatawan ng mga ito ang nararamdaman natin, kung nasaan tayo, at kung anong ginagawa natin. Walang duda na ito ang pinakasikat na porma ng paghahayag ng sarili.
Sa nakaraan, inaabot ng ilang linggo at milyun-milyong pahid ng brush para matapos ang parang buhay na self-portrait. Sa mundo ng Mabilis + Madaling Paglikha ng Media, madalian ang selfie. Kinakatawan nito kung sino tayo at anong nararamdaman natin – ngayon mismo.
At hanggang sa ngayon, ang proseso ng potograpiya ay sobrang mas mabagal para sa pakikipag-usap. Ngunit sa Mabilis + Madaling Paglikha ng Media kaya nating makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga larawan, hindi lang makipag-ugnayan gamit ang mga ito tulad ng sa social media. Nagliliwanag tayo kapag nagsisimula tayong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng media. Masaya ito.
Nagkakaroon ng katuturan ang selfie bilang pangunahing yunit ng pakikipag-ugnayan sa Snapchat dahil minamarkahan nito ang paglipat sa pagitan ng digital media bilang paghahayag ng sarili at digital media bilang pakikipag-ugnayan.
At dinadala tayo nito sa kahalagahan ng pagkapanandalian sa kaibuturan ng pag-uusap.
Itinatapon ng Snapchat ang content para magpokus sa damdamin na ibinibigay ng content sa'yo, hindi sa kung anong hitsura ng content na iyon. Isa itong konserbatibong ideya, ang natural na pagtugon sa radikal na katapatan na nagpapanumbalik ng integridad at konteksto sa pag-uusap.
Nagtatakda ang Snapchat ng mga inaasahan sa mga pag-uusap na sumasalamin sa mga inaasahan natin kapag nakikipag-usap sa personal.
Tungkol diyan ang Snapchat. Pag-uusap sa pamamagitan ng content, hindi pag-uusap tungkol dito. Kasama ang mga kaibigan, hindi ang mga taong hindi mo kilala. Pagkakakilanlang nakakabit sa ngayon, sa araw na ito. Puwang para sa pagsulong, panganib ng emosyon, pagpapahayag, pagkakamali, puwang para sa IYO.
Ang Panahon ng Mas Personal na Pagkokompyuter ay nagbigay ng teknikal na imprastraktura para sa mas personal na pakikipag-ugnayan. Sobrang swerte namin na maging bahagi ng pambihirang pagbabagong ito.
Ang Snapchat ay isang produktong binuo mula sa puso – iyan ang dahilan kung bakit kami nasa Los Angeles. Madalas akong nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa tunggalian sa pagitan ng mga kompanya sa teknolohiya at kompanya sa content – nalaman kong ang isa sa pinakamalalaking isyu na madalas kinakaharap ng mga kompanya sa teknolohiya ay madalas tinitingnan nila ang mga pelikula, musika, at telebisyon bilang IMPORMASYON. Tinitingnan ng mga direktor, producer, musikero, at aktor ang mga ito bilang damdamin, bilang pagpapahayag. Hindi para hanapin, suriin, at tanawin – kung hindi DANASIN.
Nakatuon ang Snapchat sa karanasan ng pag-uusap – hindi sa paglilipat ng impormasyon. Masayang-masaya kaming maging bahagi ng komunidad na ito.
Salamat sa pag-imbita sa akin ngayong araw at salamat sa pagiging bahagi ng aming paglalakbay. Inaasahan ng team namin na makilala kayong lahat.
Back To News