Introducing our First CitizenSnap Report

Today we are releasing our first-ever CitizenSnap report, which explains the way we operate our business and support our team, our community, and our partners – as well as, more broadly, our society and environment.
Mensahe ng editor: Ipinadala ng Snap CEO na si Evan Spiegel ang sumusunod na memo sa lahat ng team member ng Snap noong Hulyo 29.
Team,
Nire-release natin ngayon ang ating kauna-unahang CitizenSnap report, na nagpapaliwanag sa paraan ng pagpapatakbo natin sa ating negosyo at pagsuporta natin sa ating team, komunidad, at partners – pati na rin sa ating lipunan at kapaligiran sa mas kumprehensibong paraan. Ang report na ito, na nagdedetalye rin sa mga pagsisikap natin para sa diversity, equity, at inclusion at kaugnay na data, ay sumasalamin sa paniniwala natin na pabor para sa Snap ang tumulong sa paggawa ng lipunang may magandang kalusugan at malinis at ligtas na kapaligiran, para maabot ng ating negosyo ang buong potensyal nito. Gusto nating kumita ayon sa pagtatagumpay ng ating team, komunidad, at partners – hindi dahil sa pagkabigo ng mga ito.
Ibig sabihin, ang tagumpay para sa atin ay nakabatay sa mga ugnayan natin at sa paraan ng pagturing natin sa ating team, komunidad, at partners. Nagsisikap tayong makagawa ng win-win-win partnerships kung saan nakakabenepisyo sa pangkalahatang tagumpay ang lahat ng panig. Ang corporate citizenship ay hindi dekorasyon sa ating negosyo, isinasalamin nito ang paraan ng pagnenegosyo natin.
Nakabase kami sa United States, isang bansang may natatanging kasaysayan ng pagkatao ng pakikisama, na may pantay na proteksyong garantisado ng ika-14 na Pagsususog sa Konstitusyon nito (na pinagtibay sa panahon ng Muling Pagtatayo pagkatapos ng Giyerang Sibil). Nilinaw ng gobyerno at mga korte ng US na lumalahok ang mga negosyo sa lipunan hindi lamang bilang mga simpleng makinang nagmamaximize ng kita, ngunit sa halip ay mga kapwa mamamayan – na may kaakibat na mga karapatan at responsibilidad. Ang mga responsibilidad natin ay hindi lang nauugnay sa simpleng pagsunod sa mga batas ng mga bansa kung saan tayo nagnenegosyo para magkaroon din ng paninindigan sa paggawa ng positibong pagbabago.
Sa US, natutunan natin na hindi tayo makakausad nang hindi inaalam ang ating nakaraan at kinikilala na narito tayo ngayon dahil sa pagdurusa ng ibang tao. Nagmula ang kayamanan ng ating bansa sa nakaw na lupa at nakaw na paggawa: ang mga inaliping tao ang nagtatag ng pundasyon ng ekonomiya para sa kasaganaan ng ating bansa, iyon din ang naging bunga ng sapilitang pagkuha ng malalawak na lupain mula sa mga katutubo. Nasa lupa na orihinal na pagmamay-ari ng mga Chumash at Tongva ang headquarters natin sa Los Angeles.
Ang pagkilala na ang mga African American na pamilya ang may hawak ng humigit-kumulang one-tenth ng kayamanan ng mga white American na pamilya sa pangkalahatan, ay isang pag-uusig sa ating pag-aasal. Gayundin ang realidad na higit sa dalawa't kalahating beses na mas mataas ang rate ng kahirapan ng Native Americans noong 2018 kumpara sa rate ng kahirapan ng white Americans. Hindi isinasalamin ng mga realidad na ito ang mga prinsipyong gusto nating maabot.
Malinaw na makakapili tayo: hayaang magpatuloy sa United States ang mga kawalang katarungan na ito – o gawin natin ang tungkulin natin para mas mahusay nating maisabuhay ang mga pangkalahatang prinsipyo na gusto nating isulong bilang isang lipunan. Hindi makatotohanang sabihing ang ating pinakamatinding pagsisikap bilang isang negosyo ay may kakayahang makagawa ng malawakang pagbabago sa lipunan, sa sitwasyon kung saan may malalaki at nagpapatuloy na kawalang katarungan sa sistema at mga polisiya sa United States na may iba't ibang epekto sa ating mga mamamayan, pero hindi tayo tutunganga. Hindi natin ito magagawa nang mag-isa, pero gagawin natin ang bahagi natin.
Gagamitin natin ang ating boses, ang ating corporate personhood, para isulong ang mga pamumuhunang dapat nating gawin para sa kinabukasan ng ating bansa – para magawa nating ibsan ang kahirapan, magbigay ng oportunidad na makapag-aral, magtayo ng kinakailangang digital na imprastraktura, at labanan ang ating kasaysayan ng kawalang katarungan. Nagsisimula ang mga pagsisikap na ito sa loob ng ating negosyo, sa mga bagay na puwede tayong makagawa ng pinakamalaking direktang epekto, gaya ng ating mga kagawian sa pagbabayad, programa sa pag-hire at inclusion, istratehiya sa buwis, supply chain, at paggamit ng kuryente. Gusto nating matiyak na nararamdaman ng lahat ng miyembro ng ating team, komunidad, at partners na sila ay nauunawaan, pinapahalagahan, at ipinagdiriwang para sa kanilang pagkatao: pantay ang bawat tao sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.
Mangyaring kilalanin ang aming unang CitizenSnap report bilang "rough draft". isang pagpapaliwanag kung papaano namin ginagawa ang mga pafsisikap na ito, at nagpapakita ng aming pagnanais na matuto, lumaki, at gumampan. Walang kaduda-duda na hindi natin naabot ngayon ang ating mga pangarap. Napakarami nating kailangang gawin, at para sa team natin, napakahalagang magkaroon tayo ng pananagutan sa publiko.
Evan
Back To News