Harmony Korine's Debut Short Film Shot on Spectacles 3 Explores Storytelling in 3D

Today, we unveiled Duck Duck by Harmony Korine, an experimental short film shot using Spectacles 3 to explore storytelling in 3D.
Ngayong araw, inilabas namin ang Duck Duck ni Harmony Korine, isang eksperimental na short film na kinunan gamit ang Spectacles 3 para i-explore ang pagkukuwento nang 3D. Ang Spectacles 3 ay may dual na HD cameras para kumuha ng three-dimensional na photos at videos, na nagbibigay-kakayahang mag-transform ng Snaps gamit ang 3D Effects.
Pinakakilala para sa Kids, Spring Breakers at ang kamakailan lang na Beach Bum, nag-eksperimento ang cult filmmaker na si Harmony Korine gamit ang Spectacles 3 bilang cinematic tool, at ini-overlay ang augmented reality sa mga three-dimensional na eksena para sa immersive na pagkukuwento.
Gamit ang Spectacles 3, binago ni Harmony Korine ang Miami at ginawang malayang dreamscape ng tunog at kulay sa Duck Duck — na ine-explore ang mga papausbong na larangan ng wearable cinema, augmented reality, at immersive, spontaneous na pagkukuwento. Nabuhay ang hybrid na realidad ng film sa pamamagitan ng 3D Effects na binuo para sa film, na magiging available sa users ng Spectacles 3 sa Snapchat.
“Ang Spectacles 3 ay isang ganap na natatanging format na nagpabago sa pananaw ko sa film, pagkukuwento, kung ano ang animated at ano ang totoo,” sabi ni Harmony Korine. “Sa pagsasama ng first-person na pananaw at 3D Effects, inookupa ng salamin ang sarili nitong hyper-personal na sanlibutan, at nakakatulong na mapukaw ang multi-sensory na karanasan sa Duck Duck - na para bang nakakalakad ka sa mundong ito kapag nanonood ka.”
“Parehong tumutulong si Harmony Korine at ang Spectacles na palawakin ang hangganan ng immersive na pagkukuwento,” sabi ni Steen Strand, Director of Hardware, Spectacles. “Dahil sa kakayahang makunan ang lalim tulad ng mga sarili mong mata, binibigyang-buhay ng Spectacles 3 ang natatanging vision ni Harmony Korine para sa Duck Duck, at ipinapakita kung paano mahuhubog ng bagong teknolohiyang ito ang kinabukasan ng malikhaing pagkukuwento.”
Sa suporta ng Gucci, nag-premiere ang Duck Duck sa isang pribadong event sa Art Basel sa Miami Beach noong gabi ng Disyembre 4. Kabilang sa matagal nang ugnayan ni Harmony Korine sa Gucci ang pagkuha ng litrato sa 2019 Holiday “Gift Giving” campaign, Cruise 2020 Adv Campaign, Pre-Fall 2019 collection lookbook at Men’s Tailoring Adv Campaign, pati na rin sa limited-edition na Artbook, Gucci by Harmony Korine. Noong Hunyo 2019, nagpresenta ang Gucci ng cinematic na exhibit sa Gucci Hub sa Milan para kay Harmony Korine – The Crack-Up, noong Men’s Fashion Week.
Bilang bahagi ng kolaborasyong ito, nakipag-partner sa Spectacles si Harmony Korine at ang Gucci para gumawa ng limited edition na Spectacles x Gucci by Harmony Korine. Ang limited edition na Spectacles 3, na eksklusibong ginawa para sa Art Basel Miami Beach 2019, ay kumuha ng inspirasyon kay Harmony Korine at idinisenyo kasama ang Gucci para sa creators. Virtual na maisusuot ng Snapchatters sa buong mundo ang Spectacles x Gucci by Harmony Korine dito.
Mapapanood ang Duck Duck sa www.spectacles.com. Magde-debut ang film at limited edition na Spectacles x Gucci by Harmony Korine sa Art Basel sa Miami Beach mula Disyembre 5 hanggang 8 sa The Melin Building sa Miami Art District: 3930 NE 2nd Avenue, Ste 200, Miami, FL 33137. Makikita ang impormasyon at oras ng exhibit dito.
Back To News