Introducing Cameos

From Lenses to Bitmoji and everywhere in between, we’re always working on fun new ways to express yourself in the moment. We’re launching another feature to help bring your conversations to life: Cameos!
Mula Lenses hanggang Bitmoji at lahat ng iba pa, gumagawa kami palagi ng mga masayang paraan para i-express ang sarili mo sa sandali. Malapit na kaming mag-launch ng isa pang feature na makakatulong bumuhay ng mga conversation mo: Cameos!
Ginagawa kang bida ng Cameos sa sarili mong maiikli at loop na video na maipapadala mo sa friends sa Chat. Excited ka man, pagod, o gusto lang mag-hi, may mahahanap kang Cameo na sakto para sa sandali. Puwede mo ring i-customize ang captions para sa ilang Cameos para gawin mong iyo ang mga ito!
Makikita at maipapadala mo ang Cameos sa Chat, katabi lang ng stickers mo. Ilulunsad na ang mga ito sa iOS at Android sa mga susunod na linggo, at mahigit 150 Cameos ang mapamimilian — at napakarami pang darating.
Para magsimula, i-tap lang ang Cameos button sa Chat sticker bar mo, kumuha ng selfie, at pumili ng eksenang gusto mong pasukin. Kung nag-set up din nito ang isang friend, puwede kayong bumida nang magkasama sa Cameos na pang-dalawang tao!
Sige lang — mag-Cameo ka.
Back To News