Introducing Discover

Snapchat has always celebrated the way that you and your friends see the world. It’s fun to experience different perspectives through Snaps, Stories and Our Story.
Palaging ipinagdiriwang ng Snapchat ang paraan kung paano mo at ng mga kaibigan mo nakikita ang mundo. Masayang maranasan ang iba't ibang pananaw sa pamamagitan ng Snaps, Stories at Our Story.
Ngayon ipinakikilala namin ang Discover.
Ang Snapchat Discover ay isang bagong paraan para tuklasin ang Stories mula sa iba't ibang editorial team. Resulta ito ng pakikipagtulungan sa pinakamagagaling na pinuno ng media para bumuo ng storytelling format na uunahin ang salaysay. Hindi ito social media.
Sinasabi sa atin ng mga kompanya sa social media kung anong babasahin batay sa kung anong pinakabago o pinakasikat. Iba-iba ang pagtingin natin. Umaasa kami sa mga editor at artist, hindi sa mga click at share, para matukoy kung anong mahalaga.
Naiiba ang Discover dahil ginawa ito para sa malilikhain. Madalas, napipilitan ang mga artist na subukan ang mga bagong teknolohiya para maipamahagi ang gawa nila. Ngayon, ginawa namin ang teknolohiyang magsisilbi sa sining: kabilang sa bawat edisyon ang full screen na mga larawan at bidyo, mahuhusay na long form layout, at magagandang pag-advertise.
Bago ang Discover, pero pamilyar. Dahil 'yan sa Stories ang nasa buod nito - mayroong simula, gitna, at katapusan para mailagay ng mga editor ang lahat sa ayos. Nire-refresh ang bawat edisyon pagtapos ng 24 oras - dahil ang balita ngayon ay kasaysayan na bukas.
Madali at masayang gamitin ang Discover. Mag-tap para makapagbukas ng edisyon, i-swipe pakaliwa para mag-browse ng mga Snap, o mag-swipe pataas sa isang Snap para sa mas marami pang iba. Binibigyan ka ng natatanging bagay ng bawat channel – kahanga-hangang araw-araw na sorpresa!
Back To News