Introducing Lens Explorer

Starting today, there’s an easier way to discover and unlock thousands of Lenses built by Snapchatters around the world!
Simula ngayon, may mas madaling paraan para i-discover at i-unlock ang libu-libong Lenses na ginawa ng mga Snapchatter sa iba't ibang lupalop ng mundo!
Para simulan ang pag-browse sa Lens Explorer, i-tap lang ang bagong icon na lalabas kapag aktibo ang Lens Carousel. Mag-tap ng tile ng Lens para mag-unlock ng Lens at direkta kang mapupunta sa Snap Camera, o kaya ay mag-browse ng Lenses sa featured Stories. Mag-unlock ng Lens sa pamamagitan ng pag-swipe pataas sa Snaps sa Stories na ito.
Mula noong inilunsad namin ang Lens Studio noong huling bahagi ng 2017, nakapagsumite ang mga creator ng mahigit 100,000 natatanging Lenses na na-view ng mga Snapchatter nang mahigit 2.5 bilyong beses. Ngayong ipinakilala na ang Lens Explorer, madi-discover na ang Community Lenses kasama ang Lens Carousel, na nagpapadali sa paghahanap at paggamit sa mga ito.
Magiging available sa iOS ang Lens Explorer kapag nailunsad na ito.
Gusto mo bang gumawa ng sarili mong Lens? Pumunta sa Lens Studio!
Back To News