Introducing Snap Kit

Today we’re introducing Snap Kit to help developers build products powered by some of the best parts of Snapchat. Snap Kit brings the experiences you love on Snapchat into some of your favorite apps, without compromising your private account data.
Ngayon ipinakikilala namin ang Snap Kit para matulungan ang mga developer na bumuo ng mga produktong pinalakas ng ilan sa pinakamahuhusay na bahagi ng Snapchat. Dinadala ng Snap Kit ang karanasang minamahal mo sa Snapchat tungo sa ilan sa mga paborito mong app, nang hindi ikinokompromiso ang data ng pribadong account mo.
Tinutulungan ng Creative Kit ang mga developer na pagsamahin ang kanilang sariling stickers, Filters, links, at iba pang highlight — tulad ng matataas na score at workout stats — diretso sa Snapchat camera, para maidagdag mo ang sarili mong katangian at maibahagi ito sa mga kaibigan mo.
Hinahayaan ka ng Login Kit na i-unlock ang mga bagong feature sa Snapchat at iba pang app — o gamitin ang Snapchat account mo bilang mabilis, ikalawang paraan para makapag-log in.
Ginagawang buhay ng Bitmoji Kit ang mga usapan mo gamit ang Bitmoji stickers kapag nagpapadala ng mensahe sa ibang apps.
Hinahayaan ng Story Kit ang mga developer na i-filter at i-embed ang mga naibahagi sa publikong Snapchat Stories sa kanilang mga sariling app at serbisyo.
Kung isa kang developer at interesado kang subukan ang Snap Kit, pumunta rito para matuto pa tungkol sa Snap Kit.
Ikinasasabik na naming makita kung ano ang malilika mo at ng komunidad mo gamit ang Snap Kit!
Back To News