Introducing the new Snapchat

Today we’re announcing a new and improved Snapchat - organized around your relationships and personalized just for you! Until now, social media has always mixed photos and videos from your friends with content from publishers and creators.
Ngayon inaanunsyo namin ang bago at pinabuting Snapchat - inayos para sa mga relasyon mo at isinapersonal para lang sa'yo!
Hanggang ngayon, palaging inihahalo ng social media ang mga larawan at bidyo mula sa mga kaibigan mo sa mga content ng mga publisher at creator. Habang interesanteng eksperimento sa Internet ang pagbubura ng linya sa pagitan ng mga propesyonal na content creator at mga kaibigan mo, gumawa rin ito ng ilang kakaibang epekto (tulad ng fake news) at pinaramdam sa atin na dapat tayong magpakitang-gilas sa mga kaibigan natin sa halip na ipahayag lang ang ating mga sarili.
Inihihiwalay ng bagong Snapchat ang social mula sa media. Ibig sabihin nito na ang mga Chat at Stories mula sa mga kaibigan mo ay nasa kabila ng Snapchat, at ang Stories mula sa mga publisher, creator, at sa komunidad ay nasa kanan.
Nakaimbento rin kami ng bago para gawing mas personal ang Snapchat: ang dinamikong Friends page. Ang bagong Friends page sa kaliwa ng camera ay nagpapakita ng mga kaibigan mo batay sa paraan kung paano ka nakikipag-ugnayan sa kanila.
Pwede mo itong tingnan bilang mas sopistikadong Best Friends algorithm na mas pinadadali ang paghahanap ng mga kaibigang gusto mong makausap, sa panahong gusto mo silang kausapin. Naranasan na natin ang pagkadismaya sa walang katapusang paghahanap sa mga Chat para hanapin ang tamang tao - ngayon ililista ang mga Friends mo sa kaayusan kung gaano mo silang kadalas kausap. Maaaring magtagal bago matutunan ng Friends page ang pinakamahusay na paraan para ipakita ang mga Friends mo, pero sulit naman ang magiging resulta!
Kabilang sa Discover page sa kanang bahagi ng camera mo ang Stories mula sa mga publisher, creator, at ang komunidad. Nasa itaas ang mga subscription mo, sinusundan ng ibang Stories na maaaring magustuhan mong panoorin. Sa paglipas ng panahon, magiging natatanging personal ang Discover para sa'yo. Habang personal ang Stories sa Discover dahil sa algorithm, sinusuri at inaaprubahan ng mga curator namin ang lahat ng pino-promote sa page. Naniniwala kami na ang balanse sa pagsusuri ng tao at personalisasyon ng makina ay nagbibigay ng pinakamahusay na karanasan sa content sa mobile.
At, gaya ng lagi, nagbubukas ang Snapchat sa Camera, bilang pinakamabilis na paraan ng pagbabahagi ng sandali kasama ang mga kaibigan.
Hinahayaan tayo ng paghihiwalay ng social sa media na buuin ang pinakamahusay na paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at ang pinakamahusay na paraan para makapanood ng magagandang content - habang tinutugunan ang marami sa mga problema na sumisira sa Internet ngayon.
Sana nasiyahan kayo sa mga pagbabagong ito tulad namin - ang bagong Snapchat!
Happy Snapping!
Back To News