A New Slate of Snap Originals

Today, we announced our new slate of Snap Originals, premium, made-for-mobile shows created exclusively for Snapchat. These new shows will begin airing this fall on Snapchat’s Discover page.
Inanunsyo namin ngayon ang aming bagong slate ng Snap Originals, na premium at made-for-mobile shows na eksklusibong ginawa para sa Snapchat. Magsisimulang ipalabas ang mga bagong show na ito ngayong taglagas sa Discover page ng Snapchat.
Isinasalamin ng Snap Originals ang iba't ibang boses, karanasan, at hilig ng komunidad ng Snapchat, pati na rin ang aming paninindigan sa kanilang emosyonal at sosyal na kapakanan. Kabilang sa mga bagong series ang isang hanay ng mga genre, kabilang ang mga docuseries na nakatuon sa tauhan, unscripted na show, at serialized na scripted na drama, thriller, comedy, at marami pang iba. Nakikipagtulungan kami sa ilan sa mga susunod at pinakamahusay na creator ng industriya para patuloy na maitatag ang mobile na storytelling, kabilang ang Powderkeg ni Paul Feig, Complex, Sirens Media, at Leftfield Pictures. Bukod pa rito, magiging producer at music supervisor ang musikerong si Pete Wentz (Fall Out Boy), na magdadala ng bagong music sa bagong scripted na series na "Everything's Fine."
Kabilang sa bagong slate ng Snap na inanunsyo ngayon ang:
  • Tekashi69 VS The World - (Complex; season 1) - Sinusubaybayan ng up-to-the-minute na docuseries na ito ang pagtatagumpay at pagkabigo ng kontrobersyal na rapper na si Tekashi 6ix9ine, mula sa kanyang paglaki sa Brooklyn noong kanyang kabataan, hanggang sa kanyang chart-topping na career at mga star-studded na collaboration, hanggang sa pagkakaroon niya ng isyu sa FBI at pagkakakulong niya sa huli. Ilulunsad ang docuseries sa Taglagas ng taong 2019. Tutuklasin ng bawat season ng bagong franchise ng Snap na "VS The World" ang buhay at karanasan ng ilan sa mga sikat na personalidad sa hip hop, sports, at entertainment culture, na may eksklusibong footage, komentaryo, at ganap na orihinal na perspektiba.
  • Nikita Unfiltered - (Sirens Media) - Sinusubaybayan ng detalyado at personal na docuseries na ito ang maganda at kahanga-hangang transgender na si Nikita Dragun sa kanyang paglalahad sa isang sensitibong bagong aspeto ng kanyang buhay na hindi pa nakikita ng milyon-milyon niyang tagahanga habang sinisimulan niyang makipag-date bilang isang babae sa unang pagkakataon. Unang ipapalabas ang docuseries sa Taglamig ng taong 2020.
  • The Honeybeez - (Leftfield Pictures) - Narito ang The Honeybeez, ang plus-size na dance squad ng Alabama State para patunayang kayang magsayaw ng lahat ng tao. Hinahayaan ng mga nakaka-inspire na batang HBU dancer na ito na ma-udyok sila ng mga hater habang ipinamamalas nila ang kanilang mga kahanga-hangang talento sa mga pinakatanyag na entablado sa kolehiyo. Unang ipapalabas ang docuseries sa Taglamig ng taong 2020.
  • Driven - (Big Fish Entertainment, isang MGM Company) - Ang entourage na ito ng mga negosyante sa PTG365 ay naghahatid ng magagara at custom na kotse sa kanilang mga high roller na kliyente sa pamamagitan lang ng mga phone nila at pagpupursigi. Talagang magbabago ang industriya ng mamahalin at exotic na kotse. Unang ipapalabas ang docuseries sa Taglamig ng taong 2020.
  • Mind Yourself - (Barcroft Studios) - Sa anthology series na ito, ipinapakita sa bawat episode ang isang tunay at personal na kalagayan ng isang kabataang nakakaranas ng o gumagaling mula sa isyu sa mental health. Mula sa OCD at body dysmorphia hanggang sa depresyon at PTSD, ipinapakita ng series ang aktwal na buhay ng mga kabataang may mga katulad na isyu - at nagbibigay ito sa kanila ng pag-asa. Unang ipapalabas ang unscripted na series sa Taglamig ng taong 2020.
  • Everything’s Fine - (Powderkeg) - Si Gemma ay isang junior sa kolehiyo na may malalaking planong magtagumpay sa industriya ng music habang nagsisikap na makaraos sa kada-diagnose lang na bipolar disorder. Ang Everything’s Fine ay isang comedy na may determinadong perspektiba tungkol sa kung paano mapapangasiwaan (nang maayos kung minsan, minsan naman ay nabibigong mapangasiwaan) ang isang kundisyon sa mental health habang sinisikap na maging isang talentadong tao. Unang ipapalabas ang scripted na series sa Tagsibol ng taong 2020; pansamantalang pamagat.
  • Players - (Loud Labs Media at One Push) - Si Nash Brooks, na anak ng sikat na NBA player na si Oscar Brooks at isa mismong rising star, ay lumipat mula sa Indiana patungong LA nang na-trade sa ibang team ang Ama niya. Ngayong siya'y nasa mas malaking entablado na, kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili sa isang respetadong pribadong paaralan sa west LA kung saan hindi man lang siya pinangakuan ng starting spot sa basketball team. Unang ipapalabas ang scripted na series sa Taglagas ng taong 2019.
  • Save Me - (Loud Labs Media at One Push) - Nang mawala ang kanyang online na kaklase at crush, nagpasya mismo ang isolated na homeschooler na si Jason na hanapin at iligtas siya. Pero nang dalhin siya ng kanyang paghahanap sa tagong "malay na komunidad" na mas isinusulong ang pagkakaroon ng aktwal na pakikisalamuha sa tao kaysa sa pakikipag-ugnayan gamit ang mga digital device, nasubukan ang pagkatao ni Jason sa tunay na buhay. Unang ipapalabas ang scripted na series sa Taglamig ng taong 2020.
Dagdag pa rito, ire-renew din namin ang mga sumusunod na Originals: Bringing Up Bhabie (docuseries) ng Invent TV, Two Sides (scripted na drama) ng New Form, at Kappa Crypto (scripted na comedy) ng Indigo Development at Entertainment Arts. Mas marami pang Snap Originals ang patuloy na ipapalabas sa Discover page, sa kanan ng camera, sa buong taon.
Inilunsad namin ang Discover noong Enero 2015 bilang isang lugar para sa mga Snapchatter para tumuklas ng premium na content mula sa piling grupo ng mga pinagkakatiwalaang media company at storyteller. Mula sa pagkamalikhain ng komunidad nito at sa tulong ng natatanging kakayahan ng Snapchat camera, ginawa ng Discover ang unang Story format at sinundan kaagad ng unang vertical video content orientation na ginagamit na ng iba pang platform. Nagtatampok na ngayon ang Discover ng mga mobile na magazine (tinatawag na Stories ng Publishers), Stories Natin (pag-uulat ng mga balita, live na event, at trend na na-curate mula sa Snaps na isinumite ng publiko), at Shows mula sa daan-daang creative na partner sa iba't ibang panig ng mundo.
Ipinalabas ng Snap ang unang original na show nito na Good Luck America, noong Enero 2016 at ang unang slate nito ng serialized na Snap Originals noong Oktubre 2018.
Sa nakalipas na taon, naging triple ang oras na inilaan sa panonood ng Shows at tumaas nang mahigit 60 porsyento ang kabuuang oras na inilalaan araw-araw ng mga Snapchatter sa panonood sa Discover, habang ang bilang ng mga nanonood araw-araw ay lumaki nang 35 porsyento. Sa U.S., naaabot ng Snapchat ang 90 porsyento ng lahat ng 13-24 na taong gulang at 75 porsyento ng lahat ng 13-34 na taong gulang. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Snap Originals, bumisita sa: https://snaporiginals.snapchat.com/.
Back To News