Snap Partner Summit | Plug in to Snap Kit

To date, more than 200 apps have integrated with Snap Kit, powering all sorts of unique experiences that bring some of Snapchat’s most popular features to partner applications, and allow Snapchatters to create Snaps using creative tools built by our partners. Today we’re excited to announce new Snap Kit experiences.
Sa ngayon, mahigit 200 app ang nakipag-integrate sa Snap Kit, na nagbibigay-daan sa lahat ng uri ng natatanging karanasan na nagdadala ng ilan sa mga pinakasikat na feature ng Snapchat sa mga partner application, at nagbibigay-kakayahan sa mga Snapchatter na gumawa ng mga Snap gamit ang creative tools na binuo ng aming partners.
Ngayon, nasasabik kaming ianunsyo ang mga bagong karanasan sa Snap Kit:
Ipinakikilala ang App Stories
Nagbibigay-daan sa mga Snapchatter ang App Stories na mag-share ng content mula mismo sa camera ng Snapchat sa isang Story sa loob ng isa pang app.
  • Mag-share ng Snap ng iyong talentong hindi pa alam ng nakararami sa isang Story sa Tinder profile mo.
  • Mag-share ng Snap ng araw mo sa isang Story sa Houseparty.
  • Mag-share ng Snap ng kamakailan mong trip sa AdventureAide para mahikayat ang mga customer na sumama sa'yo sa susunod.
Creative Kit
Ang chat ay madalas na tungkol sa mga content at cause na mahalaga para sa'yo. Nasasabik kaming ianunsyo na malapit ka nang makapag-share ng mga custom na sticker sa isang Snap mula sa mga paborito mong serbisyo.
  • Gamitin ang Netflix para i-share ang show na pinapanood mo.
  • Gamitin ang Breaker o ang Anchor para i-share ang podcast na pinapakinggan mo.
  • Gamitin ang Anghami (sa Middle East) o ang JioSavvn (sa India) para mag-share ng gusto mong kanta.
  • Gamitin ang GoFundMe para mag-share ng makabuluhang cause.
  • Gamitin ang VSCO para mag-share ng magandang photo sa friends mo sa Snapchat.
Sa tulong ng maraming integration na ito, magsa-swipe lang ang friends para magawa nila mismong manood, makinig, o mag-donate!
Bitmoji Kit
Nakakatulong ang Bitmoji Kit sa aming komunidad na maisama nila ang kanilang Bitmoji sa mas marami pang lugar.
  • Gamitin ang Bitmoji para magdagdag ng konteksto sa mga bayad mo sa Venmo.
  • Panooring mag-react ang Bitmoji mo mula mismo sa wrist mo habang gumagalaw ka nang may suot na Fitbit. 'Yan ang motibasyon sa sarili!
Ipinakikilala ang Ad Kit
Gamit ang Ad Kit, magagawa ng mga developer na i-access ang bago naming Snap Audience Network at dalhin sa kanilang mga app ang sikat naming mobile ad format, ang Snap Ads. Makakatulong ito sa partners namin na lumago at magbibigay ito sa mga advertiser ng mga bagong paraan para makaugnayan ang komunidad ng Snapchat.
Simula ngayon, tumatanggap na kami ng mga application para sa Ad Kit at App Stories (bahagi ng Story Kit) sa SnapKit.com.
Happy Snapping!
Back To News