Putting the Chat into Snapchat

Until today, we felt that Snapchat was missing an important part of conversation: presence. There’s nothing like knowing you have the full attention of your friend while you’re chatting. We could not be more thrilled to announce Chat.
Maraming naituro sa amin ang pagbubuo sa Snapchat tungkol sa kung anong nagpapa-espesyal sa usapan. Noong una kaming magtrabaho sa aplikasyon para sa pag-share ng mga nawawalang litrato, wala kaming ideya kung gaano karami ang matututunan namin. Mabilis na naipunto ng mga kaklase namin na palagi kang pwedeng kumuha ng screenshot. Na nagtulak sa amin sa paniniwala sa pagbubura ayon sa default – itabi mo ang gusto mo, at tatanggalin namin ang iba pa!
Natutunan din naming mas mabuti sa pakiramdam kapag biswal ang usapan. Kaya nagdesisyon kaming siguruhing sa tuwing bubuksan mo ang Snapchat, dadalhin ka namin deretso sa camera. Ito ang pinakamabilis na paraan para makunan at maibahagi ang sandali sa smartphone mo.
Sa aming huling product update, ikinarangal namin ang tunay na kalikasan ng pagkukwento – mayroong pagkakasunud-sunod ang bawat Story – ang simula, gitna, at katapusan. Binuo namin ang Stories para tulungan ang mga Snapchatter na lumikha ng mga salaysay at ibahagi ang mga ito sa kanilang mga kaibigan sa isang tap lang.
Pero hanggang ngayon, naramdaman naming may kulang na mahalagang bahagi ng usapan: presensya. Wala nang ibang mas hihigit pa sa kaalamang mayroon kang buong atensyon sa kaibigan mo habang nag-uusap kayo.
Wala na kaming mas isasaya pa sa pag-anunsyo sa Chat.
Mag-swipe pakanan sa pangalan ng kaibigan mo sa Snapchat inbox mo para makapagsimula sa pagcha-chat. Kapag umaalis ka sa chat screen, ang mga mensaheng nakita mo at ng iyong kaibigan ay mawawala – pero maaari niyo laging i-tap o i-screenshot ito para mai-save ang anumang gusto mong itabi (mga tirahan, listahan ng mga kailangang gawin, atbp.)!
Ipapaalam namin sa'yo kapag may kaibigan kang narito sa iyong Chat para maibigay ninyo sa isa't isa ang inyong buong atensyon. At kung pareho kayong Nandito, simpleng mag-press at mag-hold lang para makapag-share ng live video – at Chat nang harapan!
Back To News