Recent Additions to Team Snapchat

Snapchatters are sharing over 200 million snaps every day. And thanks to our incredible and hardworking team, we’ve been able to support the growth of Snapchat with minimal overhead. But in order to continue scaling while developing the Snapchat experience, we needed to build a bigger engineering team and figure out how to pay our server bills.
Noong inilunsad namin ang Snapchat noong Setyembre 2011, handa na kami sa wakas na ibahagi sa buong mundo ang bagay na gustong-gusto namin. Gumawa kami ng ibang paraan sa pakikipag-ugnayan sa ating mga kaibigan - mas personal, at mas masaya ito. Hiniling namin na sana magustuhan din ito ng buong mundo.
Nakakamangha talaga ang naging tugon. Pagkatapos ng wala pang dalawang taon, nagbabahagi na ang mga Snapchatter ng mahigit 200 milyong snap araw-araw. At salamat sa aming kahanga-hanga at masipag na team, nakaya naming suportahan ang paglaki ng Snapchat na may maliit lang na pasimula.
Ngunit para patuloy na umakyat habang pinapaunlad ang karanasan sa Snapchat, kinailangan naming bumuo ng mas malaking engineering team at alamin kung paano babayaran ang mga bayarin sa server.
Mapalad kaming salubungin ang IVP sa Team Snapchat bilang pangunahing tagapamuhunan sa Series B financing namin kamakailan. Ang General Catalyst, Benchmark Capital, Lightspeed Venture Partners, at SV Angel ay lumahok din sa round. Nagpapasalamat kami sa paniniwala nila sa komunidad ng Snapchat at tinatanaw naming makipagtulungan sa kanila habang patuloy kaming lumalago.
Idinagdag din namin si Michael Lynton bilang independent board member. Si Michael ay talagang talentado at malikhaing executive na naniwala sa Snapchat bago pa ito maging cool. Isa siyang pambihirang huwaran at nagpapasalamat kami para sa kanyang oras at sigla.
Sa madaling sabi – nakatuon kami sa pagbuo ng malaking kumpanya sa paligid ng isang makabago at nakatutuwang produkto. At alam naming hindi namin ito magagawa nang wala kayo. Kaya salamat para sa inyong walang hanggang suporta at kasigasigan para sa Snapchat. Napakalaking bagay nito para sa amin.
Mayroong talagang mga nakakasabik na sorpresa ang paparating...
Back To News