Introducing Snap Camera

Today we are excited to introduce Snap Camera: a free application designed for desktop that invites anyone to experience the fun of Lenses while using their computer.
Nasasabik kami ngayon na ipakilala ang Snap Camera: isang libreng application na dinisenyo para sa desktop na nag-iimbita sa sinuman na maranasan ang sayang dala ng Lenses habang ginagamit nila ang kanilang computer.
Gamit ang Snap Camera para sa desktop, pumili mula sa libo-libong Lenses kabilang ang classics na gawa ng Snapchat pati na rin sa mga bagong disenyo na ginagawa araw-araw ng community ng Lens Creator sa pamamagitan ng Lens Studio. Ibig sabihin nito, mas higit ang pag-stream at pag-share gamit ang Lenses — sa mas marami pang device ngayon!
Para makapagsimula, i-download ang Snap Camera app sa desktop device mo. Nagsi-sync ang Snap Camera sa camera na nakakonekta sa computer mo at gumagana ito sa ilan sa mga paborito mong video-sharing platform at app. Ibig sabihin nito ay pagsusuot ng Lenses habang nagre-rekord ng susunod mong Youtube video, o habang nagsi-stream ng mga app tulad ng Skype, Google Hangouts, at OBS. Nag-develop din kami ng custom na Snap Camera integration para lang sa pag-stream sa Twitch.
Happy Snapping!
Back To News