Snap Inc.

Today we are changing the name of our company to Snap Inc.
Ngayong araw, pinapaltan namin ang pangalan ng aming kumpanya ng Snap Inc.
Limang taon na nang magsimula kami ni Bobby na gawin ang Picaboo, ang maliit na app na naging Snapchat – at sobrang swerte namin na makabuo ng pambihirang team na patuloy na lumalawak sa Snapchat at nakakalikha ng mga produktong gaya ng Stories, Memories, Lenses, at marami pang iba!
Noong nag-uumpisa pa lang kami, tama lang na pangalanan namin ang kumpanya namin ng Snapchat Inc., dahil Snapchat lang naman ang produkto namin! Ngayong pinauunlad namin ang iba naming mga produkto, gaya ng Spectacles, kailangan namin ng pangalan na higit pa sa isang produkto lamang – pero hindi mawawala ang pagiging pamilyar at masaya ng aming team at brand.
Napagdesisyunan naming alisin ang "chat" at gamitin ang Snap Inc!
Mayroon pang isang benepisyo sa pagpapalit ng pangalan namin: kapag hahanapin mo ang mga produkto namin, mas madaling hanapin ang mga impormasyon ng nauugnay na produkto sa halip na nakakainip na impormasyon ng kumpanya o pagsusuri ng pinansya. Mahahanap mo ang Snapchat o Spectacles para sa masasayang bagay at iwan ang Snap Inc. para sa mga tao ng Wall Street :)
Sana ang pagbabagong ito ay magpapahusay ng karanasan mo sa Snapchat at Spectacles, at makalikha ng istruktura na magbibigay-daan sa amin na patuloy na makagawa ng mahuhusay na bagong produkto para sa'yo at mga kaibigan mo
Back To News