Snapchat Turns 1 Today

As you know, it takes a village to raise a child (or one really good nanny). In our case, it took a village. We’re humbled and flattered by all the love and support we’ve received from the Snapchat community.
Alam mo namang komunidad (o isang napakagaling na yaya) ang kinakailangan para sa pagpapalaki ng bata. Sa sitwasyon namin, komunidad ang kinailangan. Nagpapakumbaba at nalulugod kami sa lahat ng pagmamahal at suportang natanggap namin mula sa komunidad ng Snapchat.
Napagtanto naming medyo cliché, pero masaya sa pakiramdam na makapagbahagi ng tatlong ideya na talagang malaking bagay para sa amin. Ihahatid ng mga ideyang ito ang mga desisyong gagawin namin habang pinauunlad ang Snapchat sa susunod na taon.
Naniniwala kami sa pagbabahagi ng mga awtentikong sandali kasama ng mga kaibigan. Hindi ito lahat tungkol sa mga magarbong bakasyon, sushi dinner, o magandang paglubog ng araw. Minsan isa itong inside joke, silly face, o pagbati mula sa alagang isda.
Masaya dapat ang pagbabahagi ng mga sandaling iyon. Mas kawili-wili ang komunikasyon kapag ginagawa ito kasama ang mga taong pinaka nakakakilala sa atin. At alam naming walang ibang mas mahusay na makapagpapatawa sa atin kundi ang ating mga kaibigan.
May halaga sa maikling panahon. Mahiwaga ang mahuhusay na usapan. Dahil iyon ay ibinahagi, ikinasiya, pero hindi nai-save.
Salamat ulit sa suporta ninyong lahat.
Back To News