Abril 28, 2022
Abril 28, 2022

Welcome to SPS 2022

Snapchat has changed a lot over the years, and our camera has become far more powerful – evolving from a way to communicate visually in a Snap into an augmented reality platform.

Ang sumusunod na mahalagang excerpt ay mula sa talumpati ng CEO ng Snap Inc. na si Evan Spiegel sa Ikaapat na Taunang Snap Partner Summit noong April 28, 2022. Mapapanood mo ang buong video rito. 

Magandang araw sa inyong lahat, at welcome sa Ika-4 na Taunang Snap Partner Summit!

Napakaraming kapana-panabik na bagay na gusto naming ibahagi sa inyo ngayon.

Ngunit bago ang lahat, gusto ko lang sabihing lubos akong natutuwang makasama kayong lahat sa Los Angeles.

Lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat para sa inyong pakikipagtulungan. 

Sobra kaming natutuwang makipagtulungan sa inyo. At ngayon, ang dating mahirap abuting layunin na ilapat ang computing sa mundo sa pamamagitan ng augmented reality ay posible na ngayon gamit ang camera namin.

Napakaligayang maglingkod sa ating community na binubuo ng mahigit 600 milyong tao, na may mahigit 300 milyong araw-araw na aktibong user sa buong mundo.

Naaabot na natin ngayon ang mahigit 75% ng mga taong may edad 13-34 na taong gulang. sa mahigit 20 bansa. At ang ating pandaigdigang community ay patuloy na lumalaki, kung saan tatlong magkakasunod na taon na bumibilis kada taon ang paglaki ng bilang ng mga araw-araw na aktibong user. 

Malaki ang ipinagbago ng Snapchat sa mga nagdaang taon, at lubos na humusay ang camera namin - mula sa isang paraan para visual na makipag-ugnayan sa isang Snap, naging isa itong augmented reality platform.

May average na 6 na bilyong beses sa isang araw na ginagamit ng mga tao ang augmented reality Lenses sa Snapchat, kung saan ginagamit ang computing sa mga ganap na bagong paraan sa pamamagitan ng Camera namin.

Ngayon, inilalaan namin ang aming Snap Partner Summit sa mga miyembro ng team namin sa Ukraine. Sa Ukraine nagsimula ang Looksery, ang kumpanyang nagtagtag ng pundasyon para sa aming augmented reality platform.

Hindi magkakaroon ng mga produkto at serbisyong ibinabahagi namin sa inyo ngayon kung hindi dahil sa pagkamalikhain at husay ng mga miyembro ng team namin sa Ukraine, at labis kaming nalulungkot dahil sa digmaang humantong sa pagkasawi ng napakaraming inosenteng mamamayan.

Ipinapanalangin naming magkaroon ng kapayapaan sa Ukraine.

Mahalaga ang augmented reality dahil pinagsasama nito ang kakayahan ng computing sa kung ano ang aktwal nating nakikita at nararanasan sa tunay na mundo. Nagbibigay-daan ito sa atin na gamitin ang computing sa isang pamilyar na lugar, na mahusay na nag-i-integrate ng teknolohiya sa mga buhay natin.

Nagsimula ang aming teknolohiyang augmented reality bilang masayang gamiting tool para sa pagpapahayag ng sarili, pero nagagamit na ito sa napakarami pang bagay sa pamamagitan ng inobasyon ng mga partner namin. Gumagawa ang mga creator at developer ng iba't ibang karanasan sa AR na nagbibigay sa community natin ng kakayahang matuto ng iba pang wika, makaranas ng live events sa makabagong paraan, gumawa ng mga monumento na nagbabahagi ng mga kuwentong hindi pa naririnig, at walang kahirap-hirap na sumubok ng bagong pares ng sneakers.

Inirerepresenta ng aming mga pamumuhunan sa augmented reality ang tuloy-tuloy naming mga pagsisikap na gumawa ng teknolohiyang naglilingkod sa sangkatauhan, na madaling matutunan at gamitin.  

Nagsimula kami sa pamamagitan ng pagbubukas ng Snapchat sa camera para mahikayat ang pagpapahayag ng sarili. Pagkatapos, ang digital na komunikasyon ay ginawa naming panandalian, gaya lang ng kung paano tayo makipag-ugnayan sa personal, at naka-focus sa pagkonekta sa mga tunay na kaibigan. Gusto talaga namin na maging kumportable ang mga tao na ipahayag ang lahat ng kanilang emosyon bilang tao. 

Dahil dito, mahigit 90% ng Snapchatters ang nagsasabing sila ay kumportable, masaya, at konektado kapag ginagamit nila ang Snapchat. (1)

At ang Snapchat ay ang #1 na pinakamasayang platform kumpara sa iba pang app. (2)

Sa pagdaan ng mga taon, patuloy naming binabago ang mga paraan kung paano pwedeng gumawa para sa Snapchat ang aming mga partner at kung paano nila pwedeng abutin ang audience namin gamit ang mga augmented reality na karanasan, content, laro, at marami pa. Dumarami ang mga partner namin na nagdadala ng teknolohiya ng Snap sa kanilang mga sariling app at serbisyo gamit ang mga integration ng Snap Kit, Camera Kit, at Bitmoji. Nakikipagtulungan kami ngayon sa mahigit kalahating milyong partner, creator, at developer para makapagbigay sa community natin ng mga inobatibong produkto at serbisyo. 

Mahigit 250,000 creator na ang gumawa ng mahigit 2.5 milyong Lenses na na-view na nang mahigit 5 trilyong beses. 

Ngayon, mayroon nang mahigit 700 Discover partners sa 21 bansa, at noong nakaraang taon, mahigit kalahating bilyong Snapchatters ang nanood ng Shows sa Discover. 

Patuloy na lumalaki ang oras na inilalaan sa panonood ng Spotlight at mas marami na nang 5 beses ang Snaps na isinusumite ng mga tao sa Spotlight kada linggo sa average kumpara noong nakaraang taon.

Mula noong launch, mahigit 340 milyong Snapchatters ang gumamit ng Games at Minis. 

At mula noong launch, nagamit na nang mahigit 100 milyong beses ang aming unang dalawang Layer sa Snap Map, Memories, at Explore.

Tumutulong ang mga developer at partner ng Snap Kit sa Snapchatters na ipahayag ang kanilang mga sarili. Sa nakalipas na taon, nag-share ang Snapchatters ng content mula sa mga app ng mga partner namin, gaya ng mga kanta mula sa Spotify o mga tweet mula sa Twitter, nang mahigit 6 na bilyong beses sa Snapchat. 

Nakikipagtulungan din kami sa mga partner para suportahan ang susunod na henerasyon ng mga kabataang leader na sinusubukang makagawa ng positibong epekto.

Noong October, nakipagtulungan kami sa 10 nonprofit para tulungan ang Snapchatters na matuto pa tungkol sa kung paano makagawa ng pagbabago sa kanilang mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng pangangandidato.

Sa pamamagitan ng panghihikayat mula sa mga kaibigan at suporta mula sa aming mga partner na organisasyon, ang aming Run for Office Mini ay isang masaya at epektibong paraan para sa Snapchatters na matuto pa tungkol sa pamumuno sa lokalidad. Ang Snapchatters ay pwedeng magnomina ng friends na mangandidato at mag-explore ng mga lokal na posisyon, na naka-sort ayon sa mga isyung mahalaga para sa kanila — lahat ng ito sa iisang sentralisadong campaign dashboard.

Mahigit 4 na milyong tao na ang nakagamit sa Run for Office Mini. Sa pamamagitan ng mahigit 25,000 sign-ups sa isa sa mga partner namin, gumagawa na ng mga hakbang ang Snapchatters para masimulan ang kanilang mga campaign. 

Lubos kaming nabibigyan ng inspirasyon ng pagiging masigasig, malikhain, at optimistiko ng Snapchat community at lahat ng partner namin.  Nasasabik kaming patuloy na makipagtulungan sa inyong lahat, habang sama-sama tayong gumagawa ng mas magandang kinabukasan. 

1. 2022 Alter Agents study commissioned by Snap Inc.

2. 2021 Goodques Path to Purchase study commissioned by Snap Inc.

Back To News