Story Playlist

Starting today for select Snapchatters in our Android community and rolling out soon across all Android and iOS, the Auto Advance feature will be removed to give you control of your Story viewing experience once again!
Noong unang beses naming ginawa ang Auto Advance, gusto naming padaliin ang pakikipagkumustahan sa mga kaibigan mo sa pamamagitan ng pag-play sa lahat ng Stories mo sa mga kamakailang update nang back-to-back.
Sa kasamaang-palad, dahil sa pagbabagong ito, naging imposibleng pumili ng partikular na Story na papanoorin. Kung minsan, gusto lang nating makita kung ano ang pinagkakaabalahan ng ating malalapait na kaibigan o pamilya – hindi ng lahat ng mga kaibigan natin –at napigilan iyon ng Auto Advance.
Simula ngayon para sa mga piling Snapchatter sa aming community ng Android at malapit nang ilunsad sa lahat ng Android at iOS, aalisin ang feature na Auto Advance para makontrol mo ulit ang karanasan mo sa pag-view ng Story!
Mag-tap lang sa isang Story para i-view ito. Hindi ka namin awtomatikong ia-advance sa susunod na Story sa mga kamakailang update.
Hindi pa namin ganap na sinusukuan ang ideyang ito na padaliin ang pakikipagkumustahan sa mga kaibigan – kaya iniangkop namin ang natutunan namin sa Auto Advance at ginawa namin ang Story Playlist.
Ang Story Playlist ay isang madaling paraan para piliin ang Stories na gusto mong panoorin at para i-view ang mga ito nang full screen ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagpili mo sa mga ito.
Mag-tap sa thumbnail ng Story sa kaliwa ng pangalan ng kaibigan mo para i-add ang kanyang Story sa playlist mo. Pindutin ang play button sa ibaba ng screen para panoorin!
Back To News