Tap to View

Today marks a pretty big change for Snapchat — you no longer have to press and hold the screen to view a Snap or Story — instead, simply Tap to View! This means no more tired thumbs while watching a several-hundred-second Story… and a little getting used to for anyone who has been Snapchatting for a while. We think you’re going to love it!
Minamarkahan ng araw na ito ang isang malaking pagbabago sa Snapchat — hindi mo na kailangang mag-press o mag-hold sa screen para tingnan ang Snap o Story — sa halip, simpleng mag-Tap para Tingnan! Hindi na mapapagod ang mga hinlalaki mo habang nanonood ng ilang daang segundong Story... kailangang lang na masanay ang sinumang matagal nang gumagamit ng Snapchat. Sa tingin namin ay magugustuhan mo 'to!
May ilang bagong paraan din para makipagkaibigan — kabilang ang I-add ng Kalapit. Isa itong mabilis na paraan para mag-add ng group ng mga kaibigan kapag magkakasama kayo. Kung bubuksan ng lahat ang Mag-add ng Kalapit, may lalabas sa screen na listahan ng mga kaibigan mo. Mag-tap lang para i-add.
Nagkaroon din ng malaking upgrade sa Mga Snapcode :) Makakapagdagdag ka ng selfie sa gitna ng Snapcode mo para mas madali para sa mga kaibigan na makilala ka kapag ia-add mo sila sa Snapchat. Kapag nakakita ka ng Snapcode sa isa pang app, mag-screenshot lang. Maidaragdag mo ang mga na-screenshot na Snapcode sa pamamagitan ng Mag-add ng Mga Kaibigan.
Panghuli, naglunsad kami kamakailan ng two-factor authentication para mapaigting ang seguridad sa Snapchat. Kapag na-enable mo na ito, mas mahihirapan ang masasamang loob kung susubukan nilang i-hack ang account mo.
Back To News