Temporary Social Media

Technology has a way of making time simultaneously important and baffling. Communication technologies from speaking to writing to recording sound and sight disrupt temporality, mixing the past, present, and future in unpredictable new ways.
Kayang ng teknolohiya na gawing magkasabay na mahalaga at nakakagulat ang oras.
Ang mga teknolohiya sa komunikasyon mula pagsasalita hanggang pagsusulat hanggang pagrerekord ng tunog at paningin ay nakakagambala sa pagiging panandalian, paghahalo ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap sa mga hindi mahulaang bagong paraan. Ang magulong pagsabay sa panahon na ito ay bahagi ng interes ng social media–o kahit anong interesante para sa akin. Partikular ang katotohanang ang pagkakagawa sa social media sa ngayon ay may partikular at kakaibang oryentasyon sa oras: ang ipinagpapalagay na hindi maiiwasang habambuhay na pagrerekord sa halos lahat ng bagay.
Madalas sa mga personal na pag-unawa, at pananaliksik, namin sa social media ipinagpapalagay na maaari at malamang na permanente ang anumang gawin natin online. Ang larawang ipinost ngayon ay mananatiling nandoon kinabukasan. Minsan nakakasiyang isipin: na balang araw kagigiliwan nating tingnan ang sandaling ito. Minsan nakakakilabot iyong paniniwala na may bagay tayong ginagawa ngayon na babalik sa atin sa hinaharap. Bagama't may ilang pananaliksik tungkol sa pagbubura ng content sa social media–halimbawa, ang kamanga-manghang pananaliksik ni Danah Boyd tungkol sa "white-walling", kung saan pana-panahong binubura ng mga user ang kanilang content–batay sa karaniwang nalalaman natin sa social media, ipinagpapalagay natin na kadalasan ay permanente ang content. Halimbawa, tinukoy ni Rob Horning na ang sarili ay lalo pang naiuugnay sa data at dokumentasyon gamit ang social media, kung saan ipinapaliwanag niya na
mula ngayon, ang patuloy na pagmamasid ang magiging pundamental na realidad tungkol sa pagiging subjective. Hindi magkakaroon ng pagtukoy sa sariling pagkatao nang walang pagsasaalang-alang sa kundisyon o katayuan ng sarili o kung paano ire-record ang sarili, o kung paano ituturing ang sarili bilang isang artifact ng mga online na paghahanap
Ang "naitala" at "artifact" ay naaangkop nang mga salita ngayon, na ginagawa ng una ang huli. Pero kailangan ba na ang pagre-rekord ay makitang hindi maiiwasang artifact sa hinaharap? Kailangan ba nating patuloy na ipalagay na ang nilalaman ng social media ay dapat na panghabambuhay? Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa pagkakakilanlan kung bibigyang diin ng social media ang mga hindi masyadong matatag na pagre-rekord at sa halip isang bagay na mas pansamantala. Magiging pagkakakilanlan ito na hindi gaanong isinasaalang-alang ang sarili nito bilang isang permanenteng "artifact", isang hindi gaanong nostalgic na pag-unawa sa kasalukuyan bilang isang potensyal na hinaharap na kinabukasan at sa halip ay isang identity na mas isinasaalang-alang ang kasalukuyan para sa kasalukuyan.
Paano kung bastang pag-isipan ulit ang buong ideya ng pagpapalagay ng pagiging permanente ng social media? Paano kung ang social media, sa lahat ng klase nito, ay iba ang oryentasyon sa oras sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagiging pansamantala ng disenyo? Ano kayang magiging hitsura ng iba't ibang social media site kung panandalian lamang ang mga ito at opsyon lamang ang pagiging permanente?
Madaling maliitin ang kahalagahan ng pagpipilit ng higit na pagiging panandalian sa social media. Ngunit kung sisimulang gawing panandalian lamang ang social media, mababago ang mga relasyon natin sa kakayahang makita online, sa pagkapribado ng data, pag-aari ng nilalaman, ang "karapatang makalimot." Babaguhin nito ang paggana ng social stigma, kahihiyan, at mismong pagkakakilanlan.
Bukod pa sa 'karapatang makalimot', paano naman ang posibleng pagguho ng tungkulin para makaalala?
***
Iniisip natin kung anong mga lalabas na resulta sa pagse-search ng mga pangalan ng estudyante ng high school paglipas ng mga taon, o kung paano kakalabanin ng mga kandidato sa pagka-presidente ang sarili nilang online profile sa nakaraan. Ang madalas na sinasabing pahayag na, "Mabuti na lang at walang social media noong bata pa 'ko!" ay sa huli isang paraan ng pagpapahayag kung gaano kalaking problema ang kasalukuyan natin kapag nahukay ito sa hinaharap. Kadalasan ang mensahe nito ay dapat mahiya tayo sa kung anong ginagawa natin, na ang mga ginagawa natin ngayon ay magdadala ng sigma sa hinaharap.
Napakahalaga na kilalanin ang pinsala na maaaring dalhin ng permanenteng media–at na hindi pantay na naibabahagi ang pinsalang ito. Iyong mga hindi normal ang pagkakakilanlan o iyong mga mahihina sa pakikisalamuha ay mas malaki ang nakataya dahil mas malamang na kumaharap ng mga potensyal na pinsala na maidudulot ng nakaraang data sa pamamagitan ng pamamahiya at stigma. Kapag nakakagawa ang mga kompanya ng social media ng mga pagkakamali sa privacy, kadalasan ang mga taong hindi straight, puti, at lalaki ang naaapektuhan nang malaki. Kaya napakahalaga ng mga aksyon gaya ng karapatang makalimutan.
Gayunpaman, mayroong tensyon dito: kailangan nating maging maingat na isantabi ang mga posibleng benepisyo ng pansamantalang social media sa bastang pagtataguyod nito dahil lang sa pagtatago sa kahihiyan ng nakaraan. Gaya ng ipinaliwanag ko dati,
Kapag itinuturing nating tagumpay ang hindi pagkakaroon ng mga record ng nakakahiyang bagay na nangyari sa atin dati na isang dokumentong nagpapakita kung paano tayo nagbago bilang mga indibidwal sa paglipas ng panahon, ipinagdiriwang din natin ang ang kulturang nag-aasam ng pagiging perpekto, pagkakaroon ng normalisasyon, at hindi nagbabagong ugali. Paano kaya kung mas maraming tao ang mas magmamalaki sa kung sino sila dati? Maaalis natin ang tradisyon ng hindi nagbabagong identity, isang tradisyong hindi rin naman sinusunod ng sinuman, at magagawa nating tanggaping nagbabago at yumayabong tayo. Hinihikayat marahil ng pagiging sikat ng social media ang mga tao na harapin ang katotohanang ang identity ay nagbabago at hindi puwedeng ganap na manatili sa kasalukuyang kundisyon o katayuan nito.
Ang pagtrato sa pagbubura ng data bilang pagtatago sa nakaraan ng isang tao ay maaaring makapagpalala ng stigma sa maliit na dumi sa digital, na ang pagiging tao at ang pagbabago ay dapat na ikahiya. Ang mas malusog na pakikitungo sa ating mga nakadokumentong nakaraan ay ang pagyakap sa kung gaano tayo naiiba noon, kahit para maraming pagkakamali. Maaaring tingnan na positibo ang pagbabago at hindi kapintasan, bilang katunayan ng pag-unlas; katangian ng pagkakakilanlan sa halip na kapintasan.
***
Gusto kong magmungkahi ng ikalawang paraan ng pag-unawa sa pansamantalang social media, hindi bilang pagtatago ng nakaraan kung hindi ang pagyakap sa kasalukuyan. Nagsimula akong sumulat ng sanaysay tungkol sa Snapchat para sa The New Inquiry noong nakaraang Pebrero na nagpapalinawag na binabago ng panandaliang media gaya ng Snapchat ang pang-araw-araw na pananaw natin mula sa paggamit ng social media para tumuon sa serye ng mga hinaharap na kinabukasan patungo sa pagtanggap sa kasalukuyan para mabigyan ito ng pagpapahalaga. Kahit hindi na bago ang pagdodokumento ng mga buhay natin, bago pa rin ang uri at antas nito: ang social media, mga smartphone, at iba pang dumaraming teknolohiya ng pagdodokumento ay naghihikayat sa mga tao na tingnan ang mundo sa kasalukuyan bilang potensyal na larawan, GIF, video, status update, pag-check-in na maa-archive. At, pinakamahalaga, nagbibigay partikular ang social media sa audience ng pakiramdam ng maikli, na bahaging responsable sa kagustuhan nating lubos na idokumento ang mga sarili natin at ang ibang tao.
Ang kultura ng dokumentasyon sa panahon ng social media ay sumulpot na pagbabalik-tanaw. May posibilidad na maging sentimental na pagmumuni-muni ang dokumentaryong pananaw na ito dahil madalas na permanente ang ginagawa natin sa social media. Ang mga photo filter na may makalumang effect na ginagawang mukhang napagdaanan na ng panahon ang mga kamakailang digital snapshot ay magandang halimbawa ng 'nostalgia para sa kasalukuyan' na siyang nangyayari kapag puwedeng balik-balikan ang anumang sandali ng buhay natin. Hinihikayat ng permanenteng social media ang pag-unawa sa kasalukuyan bilang nararapat idokumento. Sa kabaliktaran, hindi naman pabor sa pagbabalik-tanaw ang pansamantalang social media, pinababayaan nitong maging maganda lamang ang kasalukuyan habang nangyayari ito.
Dahil dito, mayroong komplikadong relasyon ang pansamantalang social media sa alaala. Bahagi ng ganda ng permanenteng social media ay ang pagbibigay daan na magbalik-tanaw at alalahanin ang maraming bagay sa mga buhay natin. Ngunit ang katwiran na habang mas marami ang naise-save natin mas marami ang maaalala natin ay maaaring magbunga ng labis na pagdodokumento, siguro hindi masyadong maaalala ang mga bagay kapag naidokumento ang mga ito nang maayos. Sa pagpasa ng mga alaala at iba pang trabaho ng pag-alala sa mga database, hindi na natin kinakailangang alalahanin ang bakasyong ito dahil masinsin naman itong naka-store sa lumalawak na digital photo album; sa sobrang daming naka-archive nawawalan na sila ng halaga at bihira mo na lang silang babalikan. May opsyon ding hindi i-record ang isang bagay para sa hinaharap, kung saan mas kailangan itong alalahanin o tandaan. Halimbawa, hinihingi ng Snapchat countdown timer ang pagkamadalian sa atensyon; kapag tumingin ka nang mabilis, tumingin ka nang madiin. Maaaring hindi perpektong maaalala ang larawan ngunit mangungusap ang kuwento at mamumukod-tangi kung anong nararamdaman mo sa sandaling iyon. Nagpipirmi ang permanenteng social media sa mga detalye ng larawan, samantalang nagpipirmi naman ang pansamantalang social media sa kung anong ibig sabihin at anong nabago nito sa'yo.
Sa ganitong paraan, maaari ring maging kabaligtaran ang pansamantalang social media sa kawalang saysay ng social media. Karaniwan, ang pagdodokumento ng isang bagay ay pagdedeklara ng pagiging karapat-dapat nito sa atensyon; ngunit kapag ang dokumentasyon ay lumawak nang sobra, tulad ng nangyayari ngayon, nababawasan ang kahalagahan nito. Sa nalalapit na hinaharap, hindi na magkukulang sa nalalapit na nakaraan dahil ang kasalukuyan ay sobrang masagana. Ang paglog-in sa mga social stream ngayon kadalasan ay parang palengke ng karaniwan, ang araw-araw na kaiklian na naninirahan sa mga site na ito ay malaliman nang sumisira sa koneksyon sa pagitan ng "dokumento" at "kahalagahan". Noong mas madalang pa ang mga larawan, nagpapahiwatig ang dokumentasyon sa larawan ng ibang antas ng kahalagahan samantalang ngayon parang kalokohan na lamang ang makita ang isang taong kinukunan ng larawan ang kaniyang burrito. Ang kasaganaan ng photographic na dokumentasyon ay gumawa ng sarili nitong kabaligtaran: ang hindi pagkuha ng larawan ng isang sandali ay kadalasang nagpaparating ng kahalagahan, halimbawa, ang hindi pag-snap ng larawan ng pagkain mo ay nagpapahayag ng paggalang sa establisimyento at sa kumpanya mo. Sa panahon ng sobrang pagdodokumento, ang larawan sa partikular at ang dokumentasyon sa pangkalahatan ay nagiging mas tungkol sa mga pangkaraniwan at hindi na masyado tungkol sa kahalagahan. Lumilikha ang pansamantalang social media ng higit na kinakailangang kakulangan, tinatakpan ang siklo ng pagkaipon ng dokumentaryo sa hindi pagbibigay ng pahintulot sa kanila na maipon. Nag-iipon tayo ng mga ebidensya ng mga sariling buhay natin; walang mahalagang arkeolohiya kapag naka-save ang lahat.
***
Pinagnanasahan ko ba ang panandalian, ang ngayon, ang kasalukuyang sandali? Sa isang antas, oo. Sariwa pa ang social media, at huwag sanang makulong ang data natin sa inaasahang dahilan ng pagiging permanente ng mga ito. Matagal nang kailangang-kailangan ng pagiging panandalian na may kakayahang maglagay ng mga bagay sa tama. Hindi kinakailangang palaging inaangkin, hinahawakan nang mahigpit at inaayos ang kasalukuyan; minsan pinakamahusay na pabayaan ito, hayaan ang higit pang alaala na lumipas nang hindi idinodokumento at ibinabahagi, walang mga ipinatutupad na kahon ng dokumentaryo at kategoryang may katumbas na metrikong naka-file sa mga lumalaking database. Sa halip, itinatrato ng pansamantalang social media ang kasalukuyan bilang hindi naghahangad na mailagay sa mga museo ngunit bilang mga hindi kilala, hindi nairu, hindi pinagtrabahuhan.
Hindi naman ibig sabihin nito na sumuko na tayo sa mas matatag na dokumentasyon. Hindi naman talaga magkalaban ang pansamantalang social media at pangmatagalang social media. Tulad ng inamin ko sa itaas, marami sa atin ang mahilig sa mga artifact ng nakaraan. Mayroong kagandahan sa timeline ng mahahalagang kaganapan sa buhay. Subalit hindi dapat ang pagiging permanente ang maging batayan, at marahil hindi rin dapat maging default. Mas mainam na ituring natin ang orasbilang variable sa isang kumplikadong ekolohiya ng social media, kung saan hindi masyadong habambuhay na nagbabahagi ng mga bagay. Oo, maraming mga umiiral na site ang mayroong kakayahang magbura sa mga platform nila, pero paano kung mas maraming social media ang may katangiang panandalian lang?
Ito ang mga uri ng katanungan at isyu na gusto kong ayusin at hikayatin ang iba na pag-isipan pa. Ang Web ay hindi nangangahulugan ng katapusan ng paglimot; sa katunayan, hinihiling nito ito.
Back To News