The Frame Makes the Photograph

A common thing we hear about social media today is that near-constant picture taking means not ‘living in the moment’. We should put the phone down and just experience life rather than worry ourselves with its documentation. This sentiment wrongly assumes that documentation and experience are essentially at odds, a conceptual remnant of how we used to think of photography, as an art object, as content, rather than what it is often today, less an object and more a sharing of experience. But not all social media are built the same, and I think we can use a distinction in social platforms: those that are based in social media versus those that are more fundamentally about communication.
Ang isang karaniwang bagay na naririnig namin tungkol sa social media ngayon ay 'hindi nasusulit ang sandali' dahil sa halos walang tigil na pagkuha ng picture. Dapat nating bitawan ang telepono at danasin lang natin ang buhay, sa halip na mag-alala tayo sa pagdodokumento nito. Mali na ipinagpapalagay ng opinyong ito na ang dokumentasyon at karanasan ay magkasalungat, isang konseptwal na alaala kung paano natin itinuturing dati ang photography, na bilang object ng sining, at bilang content, sa halip na ituring ito kung ano ito ngayon, na hindi gaanong itinuturing na object, pero mas itinuturing na pagshe-share ng karanasan. Gayunpaman, hindi magkakatulad ang lahat ng social media, at sa tingin ko, kailangan nating makita ang pagkakaiba sa mga social platform: ang mga social media na nakabatay sa social media kumpara sa mga social media na mas pangunahing nakatuon sa komunikasyon.
Tinatalakay ito ng mananaliksik na si Sherry Turkle sa isang kamakailang op-ed ng New York Times, kung saan inilalarawan niya kung paano binabati ng napakasikat na komedyanteng si Aziz Ansari ang kanyang mga tagahanga kapag nasa labas. Gusto nila ng photo o ilang dokumentaryong nagpapatunay na nakasama siya, pero sa halip na magpa-picture, nakikipag-usap siya tungkol sa kanyang trabaho, kaya maraming tagahanga ang hindi nagiging masaya. Iniintindi ni Turkle ang paghaharap na ito bilang kumakatawan sa kung paano gumagana ang social media sa pangkalahatan, na sa tingin ko ay malalang hindi pagkakaunawa at pagdiskonekta sa kung paano ginagamit ng mga tao ang serbisyong panlipunan sa ngayon. Ang pagkakita sa isang sikat na tao ay espesyal na sandali na maaaring gusto mong magkaroon ng paalala; maaaring maganda ang pag-uusap, pero para sa artista, isahang-panig lamang ito, malamang na hindi ka na muli nila makikilala o hindi na muling kakausapin sa susunod. Sa pagkukumpara ng pang araw-araw na pakikisalamuha online bilang katulad ng pagkakita sa artista, gaya ng kay Turkle, ay mali. Oo, ang pagkakita kay Ansari ay maaaring isang sitwasyong mas gugustuhin ng ilan na magkaroon ng alaala kaysa makipag-usap, pero ang araw-araw na digital na pakikisalamuha ay mas nagiging hindi tungkol sa paksa ng media, kung hindi mas nakasentro sa pabalik-balik at sinusukliang pag-uusap, bagay na hinihimok o pinipigilan ng iba't ibang serbisyong panlipunan, batay sa kung paano sila dinisenyo.
Para maunawaan ang photography sa mga social platform, hindi ito dapat ikumpara sa tradisyonal na photography, kung saan nakatuon ito sa paggawa ng object ng sining, pero sa halip ay dapat itong ituring na pagshe-share mismo ng karanasan. Kaunting paggawa ng media at mas higit na pagbabahagi ng mata; ang iyong pananaw at karanasan sa ngayon. Ang lumulugsong daloy ng pagiging panandalian ng buhay na katotohanan sa mga maililipat na bagay ay ang katapusan ng tradisyunal na larawan, na siyang dahilan ng social snap. Habang kakatwang mas madali nang gawin ang mga larawan, ang kanila pa lamang pag-iral bilang mga bagay ay hindi na espesyal o interesante, sa halip, umiiral na lamang nang mas madulas sa komunikasyon; isang biswal na pagtatalo na mas pangwika kaysa porma ng sining. Tulad noon, kailangang maunawaan na ang paglarawan sa lipunan ay dapat unawain hindi bilang pag-alis sa sandali o pag-uusap kung hindi bilang malalim na paglubog sa lipunan.
Nakasentro sa mga selfie ang pagsusuri ni Turkle—'yung mga larawang kinukuha mo para sa sarili mo—nagpapaliwanag na ipinagpapalit natin ang karanasan ng sandali kapalit ng dokumentasyon nito. Pero kapag tinitingnan ang mga selfie, hindi bilang tambak-tambak na self-portrait na photo, kung hindi ay bilang isang pag-share ng karanasan, isang mensahe tungkol sa kung sino ako, lokasyon ko, pakiramdam ko, ang dami ng mga selfie ay hindi talaga nakakagulat o hindi anti-social. Sa pangkalahatan, hindi nire-record ng mga selfie ang mga bihirang-bihirang event kasama ang mga sikat na tao, pero nire-record mismo nito ang kabaligtaran, ang mga sandali sa araw-araw na bumubuo sa pundasyon ng buhay sa lahat ng aspeto nito. Ang isang napakalinis na pagka-frame at perpektong pagkakailaw ng larawan ng dagat na magandang paksa ng mahusay na sining ay maaaring maging nakakainip na pagsasalita kung paanong ang iisang kuha na iyon ay dadami nang pare-pareho sa mga social feed. Sa halip, ang selfie ay ang pangungusap ng larawan na natatangi lang sa'yo, walang ibang maaaring makaagaw ng selfie mo, sarili mo itong boses-sa-larawan at sadyang matapat at mapagpahayag. Talagang nakatuon ito sa nangyayari sa kasalukuyan at iyon mismo ang dahilan kung bakit gusto nating i-share at tingnan ang mga ito.
***
Gamit ang halimbawang ito ng modernong pagshe-share ng photo, ang pagkakaibang inilalarawan dito ay sa pagitan ng mga serbisyo ng social media na nakatuon sa content at nakatuon sa komunikasyon. Siyempre, lahat ng social media ay pareho, pero hindi lahat ng media nakapokus sa pareho nang pantay.
Lubos na interesado ang mga nangungunang serbisyo ng social media sa kasalukuyan sa media object, sa natatanging karanasang hinihimay, ihinihiwalay, inilalagay sa profile o stream, at binibigyan ng iba't ibang sukatan para ma-quantify kung gaano karaming tao ang magugustuhan ito. Sa madaling salita, inoorganisa ng mga nangungunang social media ang kanilang mga site at ang karanasan mo sa paligid ng mga media object na ito, ang mga ito man ay mga larawan, video, text, pag-check in, at marami pang iba. Sila ang pangunahing yunit ng karanasan na dapat mong i-click, lagyan ng comment, at ibahagi. Ipo-post ang larawan, at magkakaroon ng pag-uusap sa paligid nito, tabi-tabi, sa screen.
Sa kabilang banda, isang susing sangkap ng panandaliang social media—na pinahahalagahan ng mga user nito pero hindi tinutuklas sa karamihan ng mga pagsusuri—ay na tinatanggihan nito ang pangunahing yunit ng organisasyong ito. Walang mga comment ang ipinapakita sa Snap, walang mga heart o like. Sa panandaliang social media, nagkakaroon ng komunikasyon gamit ang mga larawan, sa halip na pag-usapan ang mga ito.
Ang media object na iyon, na isang larawan bilang halimbawa, ay ang layunin ng nangungunang social media, pero iyon lang ang paraan para sa mga panandaliang serbisyo, kung saan hinahayaan ang media object na maglaho at ginagawang disposable ang mismong aspeto na pundasyon ng iba pang serbisyo. Gaya ng mga dumaraming selfie, ang aktwal na inilalarawang paksa ay simpleng resulta ng komunikasyon kaysa sa pokus nito.
Sa pamamagitan ng pagpapaliit ng kahalagahan ng paksa ng media, sa paggawa ritong naiitapon, nailalagay ang diin sa mismong komunikasyon. Malayo ang mararating nito sa pagpapaliwanag ng pagiging malapit ng Snap laban sa static na larawang ibinahagi sa ibang site. Ang ibang mga serbisyo, maging ang kanilang mga direktang pagmemensahe, ay inayos sa paulit-ulit na paksa ng media. Ito ang sociality na nakabatay sa media kaya ito tinatawag na social media.
Nagiging larawan ang imahe, sa bahagi, sa pagkakaroon ng mga border. Frame ang bumubuo sa larawan. Masasabing karaniwang umiiral ang Snapchat nang hindi naka-frame, full-screen, mas nasa sandali kaysa paksa ng sining. Hindi masyado sa pagbabahagi ng mga tropeo sa karanasan at umaasang may mangyaring komunikasyon sa paligid nila, iniiwan ng panandaliang network ang mga paksa ng sining na kumupas nang ayon sa pagpopokus sa mga sandali, sa karanasan, sa komunikasyon; mas pang-social kaysa sa media, mas pang-social kaysa network.
Siguro ang kaya karamihan ng dominanteng social media natin ay nalulong sa content, sa paksa ng media, ay dahil naitatabi ang content. Tinatrato ang pakikisalamuha na parang impormasyong maaaring ma-index gaya ng ginagawa ng mga search engine sa Web. Ang mga larawan at iba pa ay inirerekord, itinatabi, inaayos sa mga profile para masukat at masubaybayan at mairanggo. Kaya pala, 'yun ang higit sa lahat dating gamit ng mga desktop computer para sa mga tao. Marahil, ang pagiging popular ng mobile phone, na mas ginagamit ng mga tao para sa pakikipag-ugnayan kaysa sa paghahanap ng impormasyon, ang nagpakita na isa itong may diperensyang modelo para sa pag-oorganisa ng anumang social. Nagtatapos ako sa labis na haka-hakang tala rito, pero talagang panahon na para isipin muli ang pakikisalamuha nang sobrang nakabatay sa mga paksa ng media.
Mauunawaan pa rin ng kahit sino ang ganda ng paksa ng media at bakit patuloy nating gustong gumawa at umubos sa magagandang sandaling iyon na inilagay sa loob ng border ng larawan. Napakatindi ng pinanonood mong banda, paglubog ng araw, salu-salo ng pamilya, pagkakita sa sikat na komedyante: talagang mayroong lugar para sa mahalagang larawan, na permanenteng maitago. Gaya ng madalas kong ipinapaliwanag, nagtutulungan ang panandalian at permanenteng social media at hindi nagsasalungat ang mga ito. Kahit ang Snaps ay madalas ding ituring na magagandang likhang-sining.
Ngunit kahit pa gaano kadaling pahalagahan ang importansya ng mga espesyal na sandaling iyon, pareho ring madaling maliitin ang para bang karaniwang sandali sa mga pagitan noon. Pinahahalagahan ng mga nag-aaral ng mundo ng lipunan ang pagiging kumplikado ng akala mo ay walang halaga. Napakahalaga pala ng mga bagay na madalas na itinuturing natin na mga hindi interesante at karaniwang bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang maliliit na pag-aayos ng lipunan ang bumubuo sa pagkakahabi ng mga buhay natin: pagsasabi ng hello, pagngiti, pagbati sa isa't isa, ang ating mga mukha, ating mga gamit, at ang mga kalooban natin mula maganda at ang hindi. Nahihirapan ang permanenteng social media na makuhanan ang mahahalagang walang kabuluhang ito sa komportableng paraan. At dito mismo magaling ang panandaliang social media; binuo para sa pang araw-araw na komunikasyon sa lumilipas, madalas masaya, at palaging mahalagang kalikasan nito. Sa pamamagitan ng hindi pagtrato sa social life na tungkol lang sa pagkuha sa mga sandali bilang tropeo, mas pamilyar ang panandaliang social media, binibigyang pansin nito ang araw-araw na pakikisalamuha, at hindi 'yun walang kabuluhan.
Back To News