Third-Party Applications and the Snapchat API

Over the past few days we’ve fielded a number of questions about our API and third-party applications after a website that offered to save Snaps indicated that their database had been breached. We are grateful that the service provider acknowledged that Snapchat was never compromised, but we wanted to use this as an opportunity to reiterate the unfortunate threats these third-party applications can pose to our community.
Sa nakalipas na ilang araw nagpadala kami ng mga katanungan tungkol sa API at mga third-party application matapos ipahiwatig ng isang website na nag-alok na i-save ang mga Snap na napasok ang database nila. Nagpapasalamat kami na kinumpirma ng service provider na hindi kailanman nakompromiso ang Snapchat, pero gusto namin itong gamitin bilang oportunidad para bigyang-diin ang mga mapaminsalang panganib na puwedeng maidulot ng mga third-party application na ito sa aming komunidad.
Ang isang third-party application ay anumang application na nakakaakses sa Snapchat API, pero hindi ginawa at mine-maintain ng kumpanya namin. Dahil sa kasikatan ng Snapchat at sa laki ng aming komunidad, hindi kagulat-gulat na nagkaroon ng cottage industry ng mga app-maker para magbigay ng mga karagdagang serbisyo sa mga Snapchatter. Sa kasamaang-palad, kadalasang humihingi ng mga kredensyal sa pag-log in sa Snapchat ang mga application na ito at ginagamit ito ng mga application na ito para magpadala o tumanggap ng snaps at mag-access ng impormasyon ng account.
Kapag ibinigay mo sa isang third-party application ang mga kredensyal mo sa pag-log in, pinapayagan mo ang isang developer, at posibleng isang kriminal, na i-access ang impormasyon ng account mo at magpadala ng impormasyon sa ngalan mo.
Kailangan ng oras at maraming resource para makagawa ng bukas at mapagkakatiwalaang ecosystem ng third-party application. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa kami nagbibigay ng pampublikong API sa mga developer at kung bakit ipinagbabawal namin ang pag-access sa pribadong API na ginagamit namin para ibigay ang aming serbisyo. Gusto lang naming linawin - ikinatutuwa namin ang interes sa pag-develop para sa Snapchat platform - pero matatagalan kami dahil titiyakin namin na magagawa namin ito nang tama. Hanggang sa panahong iyon, ang anumang application na hindi amin pero nagsasabing nag-aalok ito ng serbisyo ng Snapchat ay lumalabag sa aming Terms of Use at hindi iyon mapagkakatiwalaan.
Noon pa man, isa nang masayang lugar ang Snapchat kung saan puwedeng mag-share ng Snaps sa mga kaibigan. Ang pinakamainam na paraan para mapanatili nating ligtas ang ating komunidad ay ang pagkakaroon ng kumbinasyon ng mga countermeasure na panseguridad at common sense. Patuloy naming gagawin ang tungkulin namin sa pamamagitan ng pagpapaigting sa seguridad ng Snapchat at pagtawag sa Apple at Google para ihinto ang mga application na nag-a-access sa aming API. Matutulungan mo kami sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga third-party application.
Back To News