Update on Third-Party Apps

We promised that we would continue to improve the security and reliability of our service and today we’re announcing a change in the way we treat third-party applications.
Nagsulat kami tungkol sa mga third-party application nitong mga nakaraang linggo nang nakompromiso ang third-party app na nag-alok na i-save ang mga Snap. Noong panahong iyon, ipinangako namin na patuloy na pagbubutihin ang seguridad at kahusayan ng serbisyo namin at inaanunsyo namin ngayon ang pagbabago sa paraan ng pakikitungo sa mga third-party application.
Nasiyahan kami sa ilang mga paraang sinubukan ng mga developer para mas mapahusay ang Snapchat. Sa kasamaang palad, may ilang developer na bumuo ng mga serbisyo para lokohin ang mga Snapchatter at ikompromiso ang kanilang account.
Gusto naming iwasang mangyari 'yan sa komunidad natin. Simula ngayong araw, ipapaalam namin sa mga Snapchatter kapag natukoy naming maaaring gumagamit sila ng mga third-party app at hihingin namin sa mga Snapchatter na 'yun na palitan ang kanilang password at itigil ang paggamit ng mga hindi awtorisadong app.
Karamihan sa inyo walang makikitang pagkakaiba sa karanasan ninyo sa Snapchat ngayon. Mayroon kaming ilang kamangha-manghang bagong bagay na paparating.
Happy Snapping!
Back To News