Our Biggest Update Yet: v4.0 Phantom

It’s been a busy couple of months at Snapchat. With over 50 million snaps shared every day, we’ve had to do a lot of work to make sure our service can continue to support a growing community of snappers. Today, we’re thrilled to announce a major update to our iPhone application – video snaps!
Naging abala ang nakaraang ilang buwan sa Snapchat. Sa mahigit 50 milyong snap na naibahagi kada araw, marami ang kinailangan naming gawin para masiguro na patuloy na nakakasuporta ang serbisyo namin sa lumalaking komunidad ng mga snapper. Ikinatutuwa naming ianunsyo ngayon ang pangunahing update sa iPhone application namin – ang video snaps
Tungkol sa pagsasalo ng alaala ang Snapchat, at magandang paraan ang video para makunan ang mga sandaling iyon. Sa kasamaang palad, sa karamihan ng mga camera application, sa oras na lumipat ka mula still camera papunta sa video camera at handa ka na, nalampasan mo na ang sandali. Nakakadismaya talaga. Kaya gumawa kami ng iba – at sa tingin namin mayroon talagang kabuluhan ito.
Sa halip na magpabalik-balik sa photo at video setting, pinagsama na namin sila sa isang button. Kung gusto mong kumuha ng larawan, i-tap mo lang ang button. Kung gusto mong kumuha ng video, pindutin nang matagal ang button. Kapag tapos ka nang mag-record, itaas ang daliri mo. Napakasimple. Hanggang sampung segundo ang mga video snap, at tulad ng mga photo snap, maaari lamang tingnan nang isang beses sa application.
Ngunit hindi lamang iyan – maraming magagandang bagay ang update na ito. Pinabilis namin ang pag-capture at pagpapadala sa pamamagitan ng full-screen na preview, at nagdagdag kami ng mga naka-landscape na caption (i-rotate lang ang iDevice mo!) at may bagong page ng mga setting para matulungan kang pamahalaan kung sino ang makakapagpadala sa iyo ng snaps.
Gaya ng palagi, pinapahalagahan namin ang feedback mo! Kung kailangan mo ng tulong o gusto mo lang mag-hi, huwag mag-atubiling mag-email sa amin: support@snapchat.com
Back To News