Who Can View My Snaps and Stories

Two questions we get a lot are “do you keep all of the Snaps?” and “do you look at them?” An earlier blog post detailed how Snaps are stored and when they are deleted, so now with the introduction of Stories, we’d like to share a bit about access.
Ang dalawang madalas na itanong sa amin ay "pinapanatili niyo ba ang lahat ng Snap?" at "tinitingnan niyo ba ang mga ito?" Idinetalye ng naunang blog post kung paanong iniimbak ang mga Snap at kung kailan binubura ang mga ito, kaya ngayon sa pagpapakilala sa Stories, nais naming magbahagi ng kaunti tungkol sa akses.
Storage
Gaya ng nabanggit sa ating nakaraang blog post, binubura ang mga Snap mula sa aming mga server pagkatapos na mabuksan ito ng mga nakatanggap. Kaya anong nangyayari sa mga ito pagkatapos silang mabuksan? Karamihan sa imprastraktura ng Snapchat ay hosted ng cloud computing service ng Google, ang App Engine. Karamihan sa ating data, kabilang na ang hindi pa nabubuksang mga Snap, ay itinatabi sa datastore ng App Engine hanggang sa burahin sila.
Pagbawi
Kaya ba ng Snapchat na mabawi ang mga hindi nabuksang Snap sa datastore? Oo—kung hindi namin kayang mabawi ang mga Snap sa datastore, hindi namin kakayaning ipadala ang mga ito sa mga tatanggap sa kanila na ginusto ng nagpadala. Mano-mano ba naming binabawi at tinitingnan ang mga Snap sa ilalim ng mga ordinaryong kalagayan? Hindi. Ang ordinaryong proseso ng pagpapadala ng mga Snap sa kanilang (mga) tatanggap ay awtomatiko.
Kaya anong kalagayan na baka bawiin namin nang mano-mano ang isang Snap, sa pag-aakala na hindi pa ito nabubuksan? Halimbawa, may mga panahon na, tulad ng ibang tagapagbigay ng serbisyo sa elektronikong komunikasyon, pinapayagan at minsan inaatas ng batas na i-access at ibunyag ang impormasyon. Halimbawa, kapag nakatanggap kami ng search warrant mula sa mga tagapagpatupad ng batas para sa mga nilalaman ng Snaps at nasa servers pa rin namin ang Snaps na iyon, obligado kami sa ilalim ng pederal na batas na tinatawag na Electronic Communications Privacy Act (ECPA) na ibigay ang Snaps sa humihiling na ahensya ng pagpapatupad ng batas. Para sa dagdag na impormasyon, tingnan ang seksyon ng aming Patakaran sa Pagkapribado na nagtatalakay sa mga kalagayan kung kailan maaaring magsiwalat kami ng impormasyon.
Mula Mayo 2013, nasa isang dosena ng mga search warrant ang natanggap namin na nagresulta sa paglalabas namin ng mga hindi nabuksang Snap sa tagapagpatupad ng batas. Mula 'yun sa 350 milyong Snap na ipinadadala araw-araw.
Minsan ang mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas ay hinihiling sa amin na panatilihin ang Snap ng ilang panahon, tulad ng kapag tinutukoy ng tagapagpatupad kung magbibigay ng search warrant para sa mga Snap.
Tanging dalawang tao lang sa kumpanya ang may akses sa tool na ginagamit para manu-manong mabawi ang mga hindi nabuksang Snap, ang aming co-founder at CTO, si Bobby (na nag-code nito), at ako.
Paano naman ang Stories?
Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Stories at Snaps ay kung hindi buburahin ng user, makikita ang Stories sa loob ng 24 na oras at maaaring tingnan nang paulit-ulit sa panahong iyon. Hindi katulad ng mga hindi binuksang Snap, na nakatabi hanggang sa tingnan o sa loob ng 30 araw kung hindi bubuksan, ang mga Snap na inilagay sa Stories mo ay mabubura mula sa mga server namin pagkatapos ng 24 na oras. Nakapailalim ang Stories sa parehong legal na pangangailangan sa pag-access at pagbubunyag tulad ng inilarawan sa itaas para sa mga Snap.
Community Guidelines
Ipinaaalam ng aming Terms of Use at Community Guidelines ang mga patakaran sa paggamit ng Snapchat. Kapag nakatanggap kami ng ulat na nilalabag ng user ang mga patakaran, maaari naming suriin ang ipinost nilang Story at magsagawa ng naaangkop na aksyon. Maaaring kabilang nito ang pagbubura ng Story, pagpapakita ng babala sa isang account, o maging pagwawakas sa account.
Naglalaman ang aming Privacy Policy ng mas maraming impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan. Sana nabigyan kayo ng post na ito ng pagkaunawa kung paano kami gumagana. Patuloy kaming namamangha sa pagiging malikhain at sa kasigasigan mo. Salamat sa pagbuo sa isang napakagaling na komunidad.
Back To News