Ready, Set, Bumoto! Paghahanda ng mga Snapchatter para sa Halalan sa US ngayong 2024
Bago pa ang Halalan sa U.S. ngayong 2024, ibinabahagi namin ngayon kung paano namin bibigyan ng kakayahan ang mga Snapchatter na makilahok sa proseso ng halalan at matiyak na mayroon pa ring space sa Snapchat para sa tumpak at kapaki-pakinabang na impormasyon.
Pansibikong Pakikilahok
Sa Snapchat, naniniwala kami na isa sa mga pinakamakapangyarihang anyo ng pagpapahayag ng sa paggamit ng karapatang bumoto ng isang tao. Bilang isang platform na maraming naaabot na botante sa U.S.—sa 100M+ Snapchatter na naaabot namin sa U.S., mahigit 80% ay 18 taong gulang pataas 1—gusto namin mapadali para sa aming komunidad na malaman ang mga isyu ang magparehistro para makabot.
Noong 2016, una naming sinimulan ang pagbibigay sa mga Snapchatter ng mga resource sa app para malaman ang mga lokal na isyu at pansibikong pakikilahok. Noong 2018, tinulungan namin ang mahigit 450,000 Snapchatter na magparehistro para makaboto; noong 2012, tinulungan namin ang 1.2 milyong Snapchatter na magparehistro para makaboto at 30 milyon ang nag-access sa impormasyon sa pagboto, at bago pa ang huling midterm election sa U.S., tinulungan namin ang 4 na milyong tao na malaman ang mga oportunidad para makatakbo sila mismo sa mga bukas na posisyon.
Ngayong 2024, ipinagpapatuloy namin ang aming commitment na tulungan ang ating komunidad na manatiling nakikilahok sa mga sibikong gawain: Sa pakikipagtulungan sa Vote.org, inilulunsad namin ang mga in-app tool para gawing mas madali ang pakikilahok ng mga botante. Papayagan nito ang mga Snapchatter na tingnan ang status ng kanilang pagpaparehistro, magparehistro para makaboto, mag-sign up sa mga paalala tungkol halalan, at gumawa ng plano para sa Araw ng Halalan—lahat habang hindi umaalis sa app.
Content tungkol sa Halalan sa Snapchat
Para mabigyan ang mga Snapchatter ng mas maraming access sa tumpak na impormasyon, muli namin iko-cover sa Snapchat. ang halalan. Nakapagbigay ang ating flagship news show na Good Luck America ng mga balita sa pulitika sa mga Snapchatter simula noong 2016. Sa taong ito, patuloy itong magbibigay ng mga pananaw at paliwanag tungkol sa mahahalagang event kaugnay ng halalan hanggang Nobyembre.
Iko-cover ng Good Luck America ang pinakamahahalagang sandali mula sa panahon ng pangangampanya—kasama ang mga rally mula sa mga nangungunang kandidato para sa pagkapangulo, pag-cover ng mga paparating na pambasang convention, at sa mismong Araw ng Halalan. Maglulunsad din ang show ng bagong series: ang Good Luck America Campus Tour, na pupunta sa mga kolehiyo at unibersidad sa mga state na matindi ang labanan, kasama na ang mga HBCU at community college, para pakinggan ang opinyong ng kabataan tungkol sa halalan at sa mga isyung pinakamahalaga sa kanila.
Mayroon din kaming iba't ibang pinagkakatiwalaang media partner na magbibigay ng coverage ng halalan sa Snapchat. Bulang anchor ng ating mga ka-partner na news coverage, ilulunsad ng Stay Tuned ng NBC News ang 24 on ’24, isang series na nagtatampok ng 24 na mahalagang personalidad na tutulong hubugin ang halalan ng 2024, na makikipag-usap sa mga botanteng Gen Z sa mga lokal, pang-estado, at pederal na halalan tungkol sa mga pangunahing isyu na mahalaga sa kanila. Sa buong cycle ng halalan ng 2024, magtatampok din ang Stay Tuned ng on-the-ground coverage ng mahahalagang event kasama na ang mga convention, rally, talumpati, at marami pang iba.
Pagkontrol ng Content at Mga Pampulitikang Ad
Ngayon taon, mananatili kaming nakabantay sa pagbibigay sa mga Snapchatter ng mga mapagkakatiwalaang balita at impormasyon. Patuoy kaming makikipag-partner sa mga nasuring media outlet at lilimitahan ang kakayahang magpakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng pagkontrol ng pampublikong content bago pa ito makita ng maraming tao.
Sinusuri din namin ang mga pampulitikang ad gamit ang isang mahigpit na proseso ng pag-review ng tao, kasama na ang pagsusuri kung may anumang mapanlinlang na paggamit ng content, gaya ng paggamit ng AI para gumawa ng mga mapanlinlang na larawan. Dagdag pa, nakipag-partner kami sa nonpartisan na Poynter Institute para malayang masuri ang katotohanan ng mga pahayag sa pampulitikang ad. Dagdag pa, gumagamit kami ng isang proseso ng pagpaparehistro at pagpapa-certify para masuri ang mga potensyal na purchaser ng mga pampulitikang ad. Puwede mong alamin pa ang mga ginagawa namin para protektahan ang integridad ng pansibikong content sa Snapchat dito.
Nakatuon kaming gawin ang tungkulin namin para hikayatin ang pansibikong pakikilahok at nae-excite kaming makipagtulungan sa aming mga partner para bigyan ang aming komunidad ng mga tool at impormasyong kailangan nila para maipahayag ang kanilang opinyon ngayong taglagas.
– Team Snapchat
