Iyong mga Snap. Ngayon in 3D.
Ngayong araw, nasasabik kaming ipakilala ang isang 3D Camera Mode na nagdaragdag ng depth sa iyong mga Snap. Gamitin ito para gumawa ng mga Snap na kumukuha ng spatial detail, na nagbabago sa pananaw at itsura batay sa kung paano mo iginagalaw ang iyong telepono kapag tinitingnan mo ang mga ito. Iba ang itsura, pagkilos, at pakiramdam ng mga bagong Snap na ito.

Ikinatutuwa namin ngayong magpakilala ng 3D Camera Mode na nagdaragdag ng lalim sa Snaps mo. Gamitin ito para gumawa ng Snaps na may spatial detail at nagbabago ng anggulo at hitsura batay sa kung paano mo ginagalaw ang phone mo kapag tinitingnan mo ang mga ito. Iba ang hitsura, galaw, at dating ng bagong Snaps na ito.
Magpapakilala rin kami ng mga bagong 3D Effects na masa-swipe mo sa Filter Carousel. Parang makatotohanan at mahiwaga ang mga ito kapag ipinagsama, at binubuhay nito ang mundo at karanasan mo sa paraang mas malapit sa totoong buhay.
Ilalabas namin ang bagong capability na ito sa kaunting phones para magsimula, pero pwedeng makatanggap at mag-interact sa Snaps na ito ang kahit anong phone. Kung may makikita kang ganitong bagong uri ng Snaps sa isang Story, pwede mo itong bigyan ng buhay sa pamamagitan ng pag-alog sa phone mo.
Happy Snapping!