Itinatag namin ang Snapchat para tulungan ang mga taong ipahayag ang mga sarili nila sa orihinal na paraan, na nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng lugar kung saan makakakonekta sila sa kanilang mga aktwal na kaibigan at matuto pa tungkol sa mundong nakapalibot sa kanila. Nagsimula ito sa malaking ideya na isinakatuparan namin sa isang maliit na opisina sa 523 Ocean Front Walk sa Venice.
Mula sa paraan ng pagpapatakbo namin sa aming negosyo, hanggang sa mga produktong idinidisenyo namin, hanggang sa mga karanasan at content na ginagawa namin -- nakatuon kami sa paggawang pundamental sa DEI sa lahat ng bagay na ginagawa namin sa Snap. Layunin namin na siguraduhing ang aming Discover content platform na kusa naming kinu-curate ay nagtatampok ng content mula sa mga partner na sumasalamin sa pagkakaiba-iba ng aming Snapchat community. At dahil sa pagkakaroon ng mahigit 100 milyong Snapchatter na nanonood ng aming entertainment content sa Discover kada buwan (2021), responsibilidad naming lahat na gumawa ng content na kumakatawan at nagpapamalas sa kanilang mga natatanging pagkakakilanlan at iba't ibang interes.
Ikinatutuwa naming ianunsyo ngayong araw na ito ang 523 - ang aming kauna-unahang content accelerator program - na idinisenyo para suportahan at itampok ang maliliit na kumpanya ng content at creatives na pagmamay-ari ng minorya na karaniwang walang access at resource — partikular na kapag ikinumpara sa mas malalaking competitor at publisher. Ang layunin ay ang matulungan silang itayo ang kanilang mga negosyo at magkaroon ng mga audience sa pamamagitan ng pamamahagi ng content sa Discover.
Simula ngayong araw na ito, ang programa ay tumatanggap ng mga aplikasyon hanggang Pebrero 1. Matuto pa at mag-apply sa https://523.snap.com/
Sa loob ng anim na buwan, ibibigay ng Snap ang mga sumusunod sa hanggang 20 matagumpay na mga aplikante:
Pondo at mga resource -- Pagpopondo ng $10,000 USD kada buwan para suportahan ang mga pamumuhunan ng mga aplikante sa pagbuo ng konsepto at filming ng content para sa Discover.
1:1 na pagpapayo -- Pagpapayo mula sa aming Content + Media Partnerships team tungkol sa kung paano pinakamahusay na mapapakinabangan ang Snapchat platform para mapalaki ang engagement ng mga aplikante at maparami ang kanilang mga layunin sa negosyo.
Pagbibigay-kaalaman sa partner -- Mga casual na workshop na nagbibigay ng insight sa Pinakamahuhusay na Kagawian para maging matagumpay, at may mga sesyon mula sa mga eksperto sa iba't ibang bahagi ng Snapchat — kabilang ang Malikhaing Diskarte, Monetization, at marami pang iba.
Exposure at marketing -- Pagiging kasama sa mga anunsyo at mga pampublikong event na nauugnay sa programang 523. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na bumuo ng ugnayan sa mga sponsor na nagbibigay ng oras at mga resource sa programa. Kabilang sa mga sponsor ang: AT&T, Nissan, Target, State Farm, Unilever, Uber Eats, at McDonalds.
Pakikipag-ugnayan sa komunidad -- Pagkakataong makakonekta sa iba pang kumpanya sa programang 523, at makabuo ng mas matatag na network sa pamamagitan ng Snapchat.
Malayo na ang narating namin simula noong nag-umpisa kami sa 523, pero mahalagang-mahalaga pa rin sa amin ang numerong ito. Ito ang ibinigay naming pangalan sa programang ito dahil kinakatawan nito ang lahat ng nilalayon namin para rito: isang pagkilala sa aming nakaraan na nagbibigay-inspirasyon din sa iba na isaalang-alang ulit kung ano ang kayang gawin.
Gusto na naming marinig ang mga ideya mo!