Disyembre 14, 2020
Disyembre 14, 2020

Travel the globe, team up with friends, and let your imagination run free with Bitmoji Paint

Today, we announced Bitmoji Paint, a new game inside of Snapchat where millions of players can come together simultaneously to contribute to one massive collage.

Built by Snap Games Studio, Bitmoji Paint introduces a whole new genre of game inside of Snapchat. Snapchatters’ Bitmojis can travel the globe, team up with friends and let their imagination run free on one shared canvas.

Ngayong araw na ito, inanunsyo natin ang Bitmoji Paint, isang bagong laro sa Snapchat kung saan maaaring magsama-sama ang milyun-milyong player upang sabay-sabay na mag-ambag sa isang gahiganteng collage.

Binuo ng Snap Games Studio, ang Bitmoji Paint ay naghahandog ng bagong-bagong uri ng laro sa Snapchat. Maaaring lakbayin ng mga Bitmoji ng Snapchatters ang buong mundo, maaari silang makipag-team up sa mga kaibigan at hayaang kumawala ang kanilang imahinasyon sa iisang canvas. Pwede sa Bitmoji Paint ang mga simpleng guhit, masasayang mensahe o kahit mga gahiganteng tanawin.

Sa ganitong paraan ito gumagana:

  • Papasok ang mga player sa laro sa pamamagitan ng Chat (sa likod ng rocket icon) o Search, at haharap sa isang planetang may mga islang nakalutang sa kalawakan.

  • Ang bawat isla ay isang server na pwedeng salihan ng mga player kasama ng daan-daang iba pang totoong player. Kapag pumili ang mga player ng isang islang sasalihan, ilalagay sila sa isang live at na-e-edit na canvas.

  • Maaaring magpinta, magsiyasat, at tumambay ang mga player sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat sa 3 mode; Move, Paint at Map.

  • Maaari kang makisalamuha sa iba pang Snapchatter sa laro sa paraang organiko, at makipag-communicate sa kanila sa pamamagitan ng isang hanay ng mga emote sa isa't isa.

  • May nakikita ka bang hindi nababagay? I-report ito agad gamit ang aming in app reporting option.

Ipinakikilala rin namin ang Snap Tokens upang i-customize ang karanasan sa Bitmoji Paint para sa mga Android user. Ang Snap Tokens ay mga digital na produktong pwedeng bilhin at iimbak sa isang virtual wallet na nakatali sa iyong Snapchat account. Sa Bitmoji Paint on Android, pwedeng gamitin ang Snap Tokens sa roller skates o hoverboard para mas mabilis na makakilos sa laro, o sa mga bagay tulad ng ink painter o paint roller para makagawa ng mas malalaking likha.

Ilalabas na sa buong mundo ang Bitmoji Paint simula ngayong araw. Sabik na sabik na kaming makita ang lilikhain ng aming komunidad para bigyang-hugis ang kinabukasan ng bago at malikhaing daigdig na ito.

Back To News