
Inilabas ni Bosco ang “4th of July” Music Video, Kinunan Gamit ang Spectacles 3
Ngayong araw, inilabas ng Snap at ng musical artist na si Bosco ang “4th of July” music video ni Bosco, isa sa mga unang music video na kinunan nang buo gamit ang Spectacles.
Para sa proyektong ito, gumanap si Bosco bilang co-creative director, ipinasuot ang Spectacles sa totoong buhay na artistic couple na sina MELO-X at Corey Wash para kunan at pagbidahan ang video, na kinukuha ang mga emosyon ng kanta. Kinukuha ng video ang relasyon ng mag-asawa mula sa kanilang mga pananaw sa unang persona, na nagpapakita ng pag-ibig, pakikipagsapalaran, at spontaneity.
Na-debut ngayon ng Snap at ng musical artist na si Bosco ang kanyang music video na "4th of July," isa sa mga unang music video na na-shoot nang buo gamit ang Spectacles.
Para sa proyektong ito, naging co-creative director si Bosco, at ginamit niya ang Spectacles sa artist na sina MELO-X at Corey Wash na magkasintahan sa tunay na buhay para i-shoot at mag-star sa video, na nagka-capture sa mga emosyon ng kanta. Kina-capture ng video ang relasyon ng magkasintahan mula sa first-person na perspektiba, na nagsisimula sa pagmamahal, pakikipagsapalaran, at spontaneity.
Ipinakikilala si Corey at MELO-X bilang mga avatar sa isang nostalgic na format ng video game, na pumapasok sa screen ng pagpili ng manlalaro at naglo-load sa mga alaala ng magkasintahan. Sa buong video, may isa pang avatar na binabalikan ang mga nakaraang alaalang ito, kung saan ipinapakita ng augmented reality na Lenses ang mga emosyong nauugnay sa mga alaala. Ang Lenses na itinatampok sa buong video ay ginawa ng komunidad ng creator ng Snap sa buong mundo, kabilang si Clara Bacou at ang Velvet Spectrum.
Ang Spectacles 3 na ipinakilala noong 2019 ay dual-camera na sunglasses na idinisenyo para mag-capture ng mga 3D photo at video na puwedeng i-transform gamit ang mga effect ng augmented reality. Kina-capture ng Spectacles 3, na batay sa mata ng tao, ang depth at dimension sa paraan kung paano ito ginagawa ng ating mga mata, na nagbibigay ng mahusay na 3D canvas para ma-capture ang mundo kung paano ito nakikita. Sa ngayon, nakipagtulungan na ang Spectacles team sa ilang artist at creator, kabilang ang experimental na maikling palabas ni Harmony Korine na Duck Duck, para mapalawak ang hangganan ng AR at teknolohiya ng camera.
Panoorin ang music video ng "4th of July" ni Bosco rito, at makita ang behind the scenes ng pag-shoot sa video rito.