Hunyo 11, 2020
Hunyo 11, 2020

Snap Partner Summit: Ang Augmented Reality Platform ng Snap

Ngayon, nag-anunsyo kami ng mga bagong karanasan sa camera at augmented reality para sa mga developer, creator, at Snapchatter.

Ang mga camera ay nag-e-evolve para maging mabilis at matatalinong tool na maaaring kumuha ng impormasyon at magpakita ng content -- at naniniwala kami na sa pamamagitan ng aming camera at augmented reality, hinuhubog namin ang hinaharap kung paano natin nararanasan ang mundo sa ating paligid.

Mahigit 170 milyong Snapchatter ang gumagamit ng AR araw-araw -- halos 30 beses bawat araw*. Ang mga Snapchatter ay gumagamit ng aming mga karanasan sa AR, na tinatawag na Lenses, kung saan ang mga top-performing community Lenses ay umaabot sa bilyun-bilyong view sa Snapchat**.

Ngayon, nag-anunsyo kami ng mga bagong karanasan sa camera at augmented reality para sa mga developer, creator, at Snapchatter.

Lens Studio at SnapML

Ang pundasyon ng aming camera platform,Lens Studio, ay isang mahusay at libreng desktop application na idinisenyo para sa mga developer at artist para bumuo at mamahagi ng AR sa Snapchat. Ina-update namin ang Lens Studio gamit ang mga bago at advanced na feature para palawakin pa ang mga hangganan ng paglikha ng AR.

Ngayon, ipinakikilala namin ang SnapML, na nagbibigay-daan sa sinumang developer na dalhin ang kanilang sariling mga machine learning model nang direkta sa Lens Studio para paganahin ang Lenses. Ngayon, kahit sino ay maaaring gumawa ng sarili nilang Lenses gamit ang mga neural network, na nagpapalawak sa mga posibilidad para sa Lenses na maaaring magbago sa mundo. Nakipag-partner kami sa Wannaby, Prisma, 2020CV, at mga Official Lens Creator sa mga unang likha ng SnapML.

Mga Local Lens

Ang mga Local Lens ay nagbibigay-daan sa isang persistent at shared na AR world na binuo mismo sa ibabaw ng iyong kapitbahayan. Maaari kang pumasok sa augmented reality kasama ang iyong mga kaibigan para palamutian ang mga kalapit na gusali ng makukulay na pintura at maranasan ang isang bagong dimensyon ng AR.

I-scan

“Pindutin nang matagal” sa screen ng camera para i-unlock ang mga may-katuturan at nakakatulong na Lenses batay sa kung ano ang nakikita mo sa harap mo.

Ngayon, nag-aanunsyo kami ng mga bagong Scan partner:

  • Maaaring matukoy ng mga Snapchatter ang 90% ng lahat ng kilalang halaman at puno salamat sa PlantSnap.

  • Nakikilala na ngayon ng camera ng Snapchat ang halos 400 breed na pinapagana ng Dog Scanner. Gumagana rin ito sa mga tao, kaya maaari mo ring malaman kung anong uri ng aso ang pinakahawig mo!

  • Malapit na, maaari mong i-Scan ang iconic na Louis Vuitton monogram para madala sa isang virtual installation na nagpapakita ng kanilang mga classic na trunk at pinakabagong koleksyon.

  • Sa huling bahagi ng taong ito, magbibigay ang Nutrition Scanner ng rating sa kalidad ng mga sangkap sa maraming nakabalot na pagkain kapag na-Scan mo ang label ng isang item salamat sa Yuka.

Bukod pa rito, ipinakikilala namin ang Voice Scan, na nag-aalok ng mga resulta ng Lens batay sa iyong mga voice command. Pinapagana ng aming partnership sa SoundHound, pindutin nang matagal para sabihin sa Snapchat kung anong uri ng Lens ang gusto mong makita.

Para gumawa ng Lenses at mag-eksperimento sa mga mahuhusay na bagong tool na ito, bisitahin anglensstudio.snapchat.compara mag-download at magsimula sa Lens Studio.

* Snap Inc. internal data Enero 1 - Mayo 25, 2020

** Snap Inc. internal data Q1 2020

Bumalik sa Mga Balita