Hulyo 21, 2023
Hulyo 21, 2023

Ang pagdiriwang sa 2023 Women's World Cup

Ang Snapchat ay naglalapit sa iyo sa Women's World Cup National Teams at mga player gamit ang bagong immersive na AR, mga creative tool, at content.

Ang 2023 World Cup ay magsisimula ngayong linggong at kasama nito, mga bagong paraan para sa Snapchatters sa buong mundo na maranasan, ipagdiwang, at maki-engage sa magandang laro.

Simula ngayong linggo, ang global community ng Snapchat na binubuo ng 750 milyong tao ay maaaring magpakita ng kanilang pagiging fan at suporta para sa women's soccer sa pamamagitan ng isang serye ng karanasan sa loob ng plataporma. Mula sa first-of-its-kind na AR na karanasan kasama ang U.S. Women's National Team (USWNT), sa bagong AR lenses na ginawa ng babaeng Lens creators, sa nakapana-panabik na creative tools, inuudyok namin ang Snapchat community na ipagdiwang ang mga kababaihan na gawing hindi makakalimutang kaganapan ang World Cup

"Habang nagpapatuloy kami sa aming pananagutan na itaas ang women's sports, ikinararangal ng Snapchat na maging bahagi ng 2023 World Cup, naglalapit sa fans sa kanilang mga paboritong National Teams at players habang nakikipagtunggali sila sa pinakamalaking entablado ng mundo. Sa pamamagitan ng immersive content coverage, pakikipagtulungan sa mga creator, at bago at makabagong AR experiences, ang Snapchatters ay magkakaroon ng walang kapantay na oportunidad na ipakita ang kanilang pagiging fan ng football na hindi katulad ng dati." Emma Wakely, Sports Partnerships, Snap Inc.

Mga AR Experience

Ngayong taon, ipinakikilala ng Snapchat ang makabagong AR Lens na ginawa sa pakikipagtulungan sa U.S. Soccer at ang USWNT. Ang makabagong USWNT 'Tem Tracker' Lens ay gumagamit ng advanced AR technology para mas ilapit ang fans sa team, gamit ang 3D Bitmoji avatars ng mga kabilang sa USWNT, stats, mga balita, fun facts, at mga highlight na ina-update habang nangyayari ito.

Ang Global AR Lenses ay magagamit ng bawat bansang kalahok sa World Cup para ang Snapchatters mula sa kahit saan ay maaaring ipagmayabang ang
kanilang bansa.

  • Global Fan Selfie Experience: Maaaring magscroll ang Snapchatters sa 'Across the Globe' Lens para makita ang kakaibang selfie Lens para sa bawat bansang kalahok. Buong karangalan naming ibinabahagi na ang Lenses na ito ay nilikha at iprinodyus ng mga babaeng Lens creators sa VideOrbit Studio, pinamumunuan ng mga kababaihan na isang Dutch XR design studio na espesyalista sa AR.

  • Ang FIFA Lens: Ang bagong AR Lens na gumagamit ng FIFA Fancestry quiz para malaman ng Snapchatters kung anong mga bansa ang pinaka-akma nilang suportahan.

  • USWNT Jersey try-on Lens: Makikita ng Snapchatters kung ano ang magiging itsura nila suot ang opisyal na 2023 USWNT Jersey, na binibigyan daan gamit ang Snap's Live Garment Transfer technology.

  • Togethxr AR Lens: Isang bagong Lens sa pakikipagtulungan sa Togethxr, ang media at commerce na kumpanyang itinatag ni Alex Morgan, Chloe Kim, Simone Manuel, at Sue Bird, na nagtataguyod sa equality, diversity at pamumuhunan sa mga babaeng atleta at women's sports. Ang Togethxr Lens ay ginawa ng VideOrbit na naghihikayat sa Snapchatters na ipakita ang kanilang suporta at adbokasiya para sa women's sports.

Creative Tools 

Ang isang bagong buong set ng creative tools na hinahayaan ang kahit sino na pagandahin ang kanilang karanasan bilang fan sa loob ng buong tournament.

  • Bitmoji: Sa pakikipagtulungan sa adidas, maaaring bihisan ng Snapchatters ang kanilang Bitmoji avatars sa piling opisyal na football kits para makapagcheer para sa kanilang home team.

    • Ang Opisyal na team kits na may adidas Fan Gear section para sa: Colombia, Costa Rica, Italy, Jamaica, Philippines, Sweden, Argentina, Germany, Japan, at Spain.

    • Ang mga opisyal na team kits ay meron din para sa: Australia, Brazil, Canada, England, Nigeria, Norway, Portugal at USA.

    • Karagdagang kits ng mga bansa na may Bitmoji Fan Gear section para sa: China, Denmark, Ireland, Haiti, Morocco, Panama, South Africa, Switzerland, Vietnam, at Zambia.

  • Mga Sticker & Mga Filter : Makipag-chat sa mga kaibigan at pagandahin ang iyong Snaps sa paggamit ng mga sticker at mga filter sa bawat isa sa mga nakiklahok na bansa, kasama na ang opisyal na Women's National Team Mga Sticker at Mga Filter para sa Australia, France, Norway, USA, Sweden, Nigeria, New Zealand, at Spain.

  • Mga Cameo: Idagdag ang iyong Cameo para mas maging personal at masaya ang iyong mga pakikipag-usap sa Snapchat. May mga Cameo para sa bawat team, at may opisyal na National Team Kits sa pamamagitan ng ating pakikipagtulungan sa adidas para sa: Argentina, Colombia, Costa Rica, Germany, Italy, Jamaica, Japan, Philippines, Spain, at Sweden.

Ang Nilalaman

Panuorin ang lahat ng goals, highlights, at mga nangyayari behind-the-scenes mula sa mga media partner at mga content creator.

  • U.S. Soccer App Integration: Ang Fans at maaaring makapag-post ng news na may relasyon sa U.S. Soccer sa kanilang Snapchat Story direkta mula sa U.S. Soccer App, gamit ang bagong Lens para masilip ang artikulo at makunan ang kanilang mga reaksyon.

  • Mga Show: Ang Togethxr ay magpo-prodyus ng bagong, dalawang-beses-kada-linggong show sa Stories page na tinatawaf na 'Offside Special.' Sumisid sa lahat ng bagay na may kinalaman sa women's soccer, mula sa magic na nangyayari sa field hanggang sa mga sandali sa labas ng field at mga storyline.

    • Ang ITV sa UK at Optus Sport sa Australia ay magbibigay din ng opisyal na World Cup highlights sa Stories tab
      .

  • Mga Snap Star & Mga Creator: Makikita ng Snapchatters ang mga ekslusibo, at mga nangyayari sa field na content sa pag-follow sa ilan sa kanilang mga paboritong footballers, mga propesyunal na mga atleta, at mga creator sa Stories at Spotlight, kasama na sina Alisha Lehmann, Asisat Oshoala, Jordyn Huitema, Julia Grosso, Madison Hammond, Megan Reyes, Ryann Torrero, at Antonio Santiago.

    • Ang U.S. Soccer ay maglalabas din ng mga regular na mga update at content sa kahabaan ng tournament sa kanilang Snap Star profile.

  • Ang Mga Challenge ng Spotlight: Ang Snapchatters sa U.S. ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng isang share na hanggang $30,000 pa pagsusumite ng kanilang pinakamagandang Snaps sa women's soccer-themed Spotlight Challenges, kasama ang:

    • #TeamSpirit (July 19-25) - Ipakita ang pagiging fan ng iyong paboritong women's soccer team!

    • #GoalCelebration (July 31-August 6) - Gamitin ang Director Mode para muling likhain ang iconic na pagdiriwang ng isang iconic na women's soccer goal.

    • #SoccerWatchParty (August 17-21) - Gamitin ang location tag para ipagmalaki ang iyong women's socce
      r watch party!

  • Snap Map: Mga piniling Stories sa Snap para sa bawat laro, watch party, pagdiriwang at marami pa.


Magkita tayo sa Ibaba! 👻⚽

Bumalik sa Mga Balita