
Mga Community Geofilter
Naging sobrang saya para sa aming team ang pag-drawing ng mga Geofilter at gamitin ang mga ito para palamutian ang ilan sa aming mga paboritong lugar sa buong mundo. Mula sa mga coffee shop sa Venice hanggang sa mga baybaying-bayan sa Oslo, sana ay nasiyahan kayo sa pagtuklas sa bawat maliit na piraso ng sining! Kamakailan, parami nang parami ang mga Snapchatter na humihiling sa amin na tulungan silang gumawa ng sarili nilang mga Geofilter - para sa mga marriage proposal, paboritong lungsod, at maging sa mga birthday party!
Nagkaroon ang aming team ng sobrang kasiyahan sa pagguhit ng Geofilters at paggamit sa mga ito na palamutihan ang ilan sa mga paboritong lugar namin sa mundo. Mula sa mga kapihan sa Venice hanggang sa mga baybayin ng Oslo, umaasa kaming nasiyahan kang tuklasin ang bawat maliit na piraso ng sining! Kamakailan, paparami nang paparami ang mga Snapchatter na humihingi sa amin ng tulong na gawan sila ng sarili nilang Geofilters - para sa mga pagpo-propose ng kasal, paboritong lungsod, at kahit pati pagdiriwang ng kaarawan!
Nasasabik kami ngayon na ianunsyo ang Community Geofilter website namin. Madali na lang ngayong gumuhit ng maliit na piraso ng sining at ilagay ito kung saan makahulugan para sa'yo at sa mga kaibigan mo. Nasasabik na kaming palamutihan ang mundo gamit ang Community Geofilters - saktong-sakto para sa holidays!