Sa unang pagkakataon, mararanasan ng mga Creator ang mga benepisyo na mayroon din ang aming mga verified na Snap Star, nang may permanenteng Profile, access sa advanced na analytics at higit pa na magpapadali para sa mga Snapchatter na mag-discover ng mga bagong Creator, at para sa mga Creator na kumonekta sa kanilang mga tagahanga.
Bukod pa sa paggamit sa aming camera para makagawa ng magandang content, gustong-gusto ng aming komunidad na gamitin ang Snapchat para matuto tungkol sa mundong nasa paligid nila - ginagawa nila ito sa pamamagitan ng panonood sa Stories mula sa kanilang mga paboritong creator, Shows na nagtatampok sa kanilang mga paboritong Snap Star, at mula sa public na Snaps na isinusumite ng komunidad ng Snapchat.
Ilulunsad ang mga feature na ito sa mga paparating na buwan sa mga creator sa Snapchat sa buong mundo na may public na settings ng Story.
Kasama sa Mga Bagong Feature ng Creator ang:
Profile - Isang full screen na profile kung saan makakapag-share ng higit pang detalye ang mga Creator tungkol sa kanilang mga sarili para makatulong na kumonekta sa mga tagahanga, kabilang ang isang bio, photo, URL, location, at email address.
Highlights - Isang koleksyon ng photo at video content na puwedeng idagdag ng mga Creator sa kanilang profile mula sa kanilang Snap Stories o Camera Roll. Magagawa ng mga Creator na i-save at i-share ang kanilang mga paboritong creative moment sa mga bago at kasalukuyang tagahanga. Puwede silang mag-pin ng mga sizzler, mga Snap na nagdadala patungo sa mga video sa YouTube, Q&A na video, at higit pa!
Lenses - Ang anumang Lenses na ginawa nila sa Lens Studio ay lalabas bilang tab sa kanilang Public Profile.
Mga Reply sa Story - Puwedeng makipag-ugnayan ang mga Creator sa kanilang mga tagahanga at magkaroon ng makabuluhang chat tungkol sa stories na pino-post nila. Puwede nilang hilingin sa mga subscriber na magpadala ng mga tanong o puwede nilang tanungin ang kanilang mga tagahanga. May kasamang mga kontrol ang Profile para ma-filter ang mga reply batay sa kung ano ang mahalaga para sa kanila, pero awtomatikong itinatago ng Snap ang mga negatibong komento at spam. Puwedeng magdagdag ang Creator ng custom na listahan ng mga salita, parirala, o emoji na hindi niya gustong makita.
Pag-quote - Nagbibigay-daan sa mga Creator na mag-share ng reply ng Subscriber sa kanilang Story na Public. Makakatulong ito na mapalalim ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga tagahanga, at makakapagdagdag din ito ng bagong elemento ng tuwa sa Stories. Halimbawa, puwedeng sumagot ng mga tanong ang mga Snap Star at Creator at aabisuhan ang mga tagahanga kapag na-quote sila, na ginagawa sa paraang may pagpapahalaga sa privacy, kung saan ang Bitmoji at pangalan lang ng tagahanga ang nakikita ng audience ng Creator kung siya ay ma-quote.
Insights - Nagbibigay ng Insights ang Snap sa mga Creator para magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa tungkol sa kanilang audience. Kabilang sa Insights ang demographics ng audience, bilang ng view, at average na oras na inilalaan.
Mga Tungkulin - Magagawa ng Creator na i-share ang access sa kanyang Profile o na mag-share ng insights tungkol sa performance sa Mga Brand. Makakatulong ang mga member ng team na mamahala ng Profile ng Creator sa Snap, kung saan magagawa nilang magdagdag o mag-alis ng Snaps mula sa public na Story ng Creator.
Nasasabik kaming dalhin ang pagkamalikhain ng iba't ibang creator sa mga Snapchatter at hindi kami makapaghintay na makita ang gagawin nila gamit ang mga bagong tool na ito!