Dear Los Angeles, Mahal Kita.

Dear Los Angeles,
Mahal Kita.
Lumaki ako sa Pacific Palisades. Naikot ko ang bawat kalye gamit ang Razor scooter ko. Kabisado ko ang matataas, matatandandang puno at may mga paborito. Sa Alma Real nanirahan ang Nanay ko, sa Toyopa naman ang Tatay ko. Himalang nakatayo pa ang bahay ng Nanay ko, na nababalutan ng abo. Nasunog naman ng tuluyan ang kay Tatay na nakita sa live TV. Masuwerte kami. Ligtas ang lahat.
Mahigit sa 150 miyembro ng Snap ang nawalan ng tirahan, hindi kabilang ang pamilya at kaibigan nila. Wala nang natira para sa maraming taga-Los Angeles. Ilan ang nawalan ng buhay.
Nagdurugo ang puso ko para sa iyo Los Angeles, pero mas lalo kitang minahal. Ang melting pot ng pagkamalikhain, innovation at kuwentuhan. Muling bumabangon, ang lungsod ng mga anghel na binalot ng mga usok.
Sa bawat nagnakaw, libo-libo ang naglaan ng kanilang oras, yaman at panalangin. Sa bawat duwag, umaapaw ang katatagan. Sa bawat daliring naninisi, libong mga tao ang abala sa pagtulong at pagdadala ng pag-asa.
Hindi ang komunidad natin ang unang nakaranas ng malaking sunog. Hindi rin tayo ang huli. Pero gagamitin natin ang ating lakas, talino at pagmamahal para lumikha at gumawa ng panibago. Magdadagdg ng mga bagong kulay ang magagaling na artista ng ating lungsod sa magandang canvas na tinatawag nating tahanan.
Los Angeles, Mahal Kita. Habang nakikita ko ang mga unang rumesponde mula sa iba't ibang parte ng bansa na nagtitipon sa paradahan ng opisina, nakikita ko ang kanilang walang sawang suporta at alam kong milyon-milyon pa ang nagmamahal sa iyo.
Los Angeles, nandito kami para sa pangmatagalan. Para sa pagbangon at kung anuman ang susunod. At nandito kami para tumulong. Nakapagbigay na kami nila Snap at Bobby ng $5 milyon para sa agarang tulong at marami pa kaming gagawin. Pinapakain namin ang mga evacuee at mga first responder at nag-aalok ng libreng matutuluyan. Nakikinig kami sa mga eksperto sa pagbangon mula sa malaking sunog at natututo araw-araw kung ano pa ang puwedeng gawin at paano natin haharapin ang hamon. Gusto naming makipagtulungan at bumuo ng sama-sama kasama ka.
At siguro, kakatwa man, sa lahat ng apektado, ilang oras lang, magpapatuloy ang mundo. Marami pang kailangang gawin, mga bata na kailangang turuan, mga pamilyang kailangang alagaan at bagong araw na kailangang salubungin.
Los Angeles, sa iyo ang simpatiya ko at makukuha mo ang aming oras, mga resource at ang aming tulong habang tayo ay umuusad. Ipinapangako ko.
Evan