Marso 08, 2023
Marso 08, 2023

Dutch Ministry at Snap, nag-launch ng AR election Lens para hikayatin ang mga kabataan na bumoto

Ngayong araw, nag-launch ang Dutch Ministry of the Interior and Kingdom Relations at ang Snap ng magkatuwang na inisyatibo upang engganyuhin ang mga kabataan na bumoto sa eleksyon ng panlalawigang konseho at water board sa March 15, 2023.

Sa pakikipagtulungan sa Dutch Ministry of the Interior and Kingdom Relations, nag-launch ang Snapchat ng online campaign upang engganyuhin ang mga kabataan na bumoto sa eleksyon ng panlalawigang konseho at awtoridad sa tubig ng Netherlands sa March 15, 2023. Kasama sa campaign ang isang natatanging augmented reality Lens, Filters, at Stickers, na magiging available mula March 8 hanggang 15 sa Snapchat.

Kapag pinili mo ang Lens, maglalagay ng dalawang virtual na kahon ng balota sa espasyo kung saan ka naroon. Pagkatapos, may lalabas na 12 pahayag, at maaari kang bumoto ng "true" o "false" para subukan ang iyong kaalaman sa eleksyon ng panlalawigang konseho at awtoridad sa tubig. Sa mapaglarong paraang ito, maaaring matuklasan ng lahat kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga panlalawigang konseho at awtoridad sa tubig. Simula sa March 8, magtatampok ang app ng araw-araw na countdown tungo sa eleksyon sa pamamagitan ng isang Filter, pati na rin ng pang-eleksyong Lens at Stickers. Sa araw ng eleksyon sa March 15, dalawang Filters ang magagamit: isa para sa mga taong boboto at isa naman para sa mga taong nakaboto na.

Ipinapakita ng pananaliksik na ang dami ng botante sa eleksyon ng panlalawigang konseho at awtoridad ng tubig ay mas mababa kaysa sa iba pang eleksyon. Halos dalawang-katlo ng lahat ng kwalipikadong botante ang lumalaktaw ng eleksyon sa isang punto. Para pataasin ang dami ng botante, nagpapatakbo ang gobyerno ng pampublikong campaign, na akmang-akma sa Election Lens na inisyatibo.

Maraming kabataan ang may kaunti o walang ideya tungkol sa epekto na mayroon ang mga panlalawigang konseho at awtoridad sa tubig sa kanilang agarang kapaligiran, na may mga kasalukuyang paksa gaya ng pabahay, pagbabago ng klima, at pamamahala sa tubig. 

"Kapag mas maraming kabataan ang nakakaunawa tungkol sa eleksyon, mas malaki ang tsansa na boboto talaga sila. Tumutulong dito ang Snapchat Lens. Gamit ang Filters at Stickers, ang mga kabataan ay nagbibigay-inspirasyon din sa isa't isa na magsiboto. Sa pamamagitan nito, at ng iba pang mga campaign, gusto naming ipakita sa mga kabataan na mahalaga ang kanilang boto," sabi ni Hans Klok, program manager ng Eleksyon sa Dutch Ministry of the Interior and Kingdom Relations.

Bumalik sa Mga Balita