Introducing App Stories

Today, we're launching a new developer product which brings one of Snapchat’s most popular features into other apps: App Stories. App Stories let developers easily add Stories to their app to help build a content ecosystem, drive engagement on their platform, and tap into one of the most-used cameras in the world.

Ngayong araw, maglulunsad kami ng bagong developer product na magdadala sa isa sa mga pinakasikat na feature ng Snapchat patungo sa ibang apps: App Stories.
Stories na ang nangungunang mobile format, na nagbibigay ng lugar sa mga tao para ipahayag ang kanilang sarili. Nagbibigay-daan sa mga developer ang App Stories para madaling makapagdagdag ng Stories sa kanilang app upang makatulong sa pagbuo ng content ecosystem, makaakit ng engagement sa kanilang platform, at kumonekta sa isa sa mga pinakagamít na camera sa mundo.
Dahil sa App Stories, madali na para sa mga developer na gamitin ang ating teknolohiya at komunidad para makaakit ng engagement sa kanilang platforms, at kumonekta sa 218MM tao na araw-araw nagbubukas ng Snapchat camera.
At para sa Snapchatters, simple at epektibo ito sa pagbabahagi ng Snaps mula sa kanilang home workout deretso sa Triller profile nila, bilang halimbawa. O kaya, magbahagi ng Snaps sa ibang taong posibleng hindi konektado sa kanila sa Snapchat, tulad ng pagdaragdag ng content sa dating profile sa Hily.
Sinisimulan namin sa ilang partners:
  • Triller - Magkakaroon na ng access ang Triller community sa nakakahikayat na Snapchat Stories mula sa mga paborito nilang artist, creator, at kaibigan.
  • Squad - Pwede nang sabay-sabay na manood ng Snapchat Stories ang kanilang mga user habang magkakatawagan sila. Dahil may mga pampublikong kwarto ang Squad, nagbibigay-daan din sa mga user ang integrasyon para makita ang stories sa profile ng isa't isa — bilang pasilip sa buhay ng bawat isa.
  • Hily - Lilitaw ang App Stories sa isang bar sa profile ng bawat user na magkokonekta ng kanilang Hily sa Snapchat. Gamit ang Snapchat Lenses at Filters, magiging magandang ambag ang App stories sa Hily stories na isa sa mga pinakamadalas gamiting feature sa app.
  • Octi - Ngayon, pwede nang mag-post ang Snapchatters ng custom na Stories direkta sa kanilang Octi AR profiles. Magpapadala lang ng Snap ang users ng Snapchat sa bagong opsyon na "Aking Octi Story," na available sa Snapchat app. Awtomatikong lilitaw ang Story bilang tile sa kanilang Octi AR belt, na makikita ng lahat ng nasa Octi AR belt nila.
Ang App Stories ay bahagi ng Snap Kit, ang aming koleksyon ng developer tools na tumutulong sa mga third party na bumuo ng mga integrasyon sa Snapchat.  Tulad ng lahat ng produkto ng Snap, idinisenyo ang App Stories sa paraang nagpapahalaga sa privacy: Hindi ibinabahagi ng Snap ang demograpikong impormasyon o listahan ng mga kaibigan sa mga third-party na developer.
Back To News