Celebrating Snap in India

This week, we hosted a virtual event to celebrate our growing community of Snapchatters in India and the strong partnerships we’ve built.
Ngayong linggong ito, nag-host kami ng virtual na event para ipagdiwang ang aming lumalaking komunidad ng mga Snapchatter sa India at ang matatatag na partnership na naitaguyod namin.
Palagi kaming naniniwala noon pa man na dapat ay may kultural na kahalagahan ang Snapchat, saanman ang kinaroroonan mo. Mula sa mga wika hanggang sa content, mula sa mga creator hanggang sa AR, talagang nagsisikap ang team namin sa loob ng nakalipas na taon sa paggawa ng karanasan na buong pusong tatanggapin ng aming Indian na komunidad.
Sa virtual na event, itinampok namin ang mahusay na gawa ng aming mga kasalukuyang partner at ibinahagi namin ang ilang nakakasabik na balita tungkol sa ilan sa mga bago naming partner.
Sa harap ng Discover, gumagawa kami ng Hindi na adaptasyon ng Snap Original series na Phone Swap, at may mga bagong eksklusibong show kami kung saan itinatampok ang mga celebrity gaya nina Anushka Sen, Raftaar, Ruhi Singh, at Vir Das. Lalabas ang Shows na ito sa 2021.
Nasasabik din kaming batiin ang aming unang Indian na Snap Games partner, ang MoonFrog Labs, na gumagawa ng custom made na bersyon ng game na alam at gusto ng lahat - ang Ludo Club. Nakikipagtulungan din kami sa team sa Mojiworks para maidagdag ang isang Indian na kitchen challenge na tinatawag na 'Dosa Dash' sa aming sikat na game na Ready Chef Go! 
Panghuli, sa pamamagitan ng mga integration ng Snap Kit sa NDTV at Alt Balaji, magagawa ng mga Snapchatter na i-share ang lahat, mula sa mga nagbabagang balita, hanggang sa mga palabas na pinapanood nila, impormasyon sa paghahambing ng presyo, at kahit ang real time na ETA ng mga ito habang naglalakbay sa ibang bahagi ng bansa sakay ng tren!
Sa halos 150% pagdami ng mga araw-araw na aktibong user sa nakalipas na taon*, simula pa lang ito. Ma-enjoy sana ng aming komunidad ang mga bagong feature at karanasang ito at gusto naming lubos na magpasalamat sa lahat ng creative partner na nakikipagtulungan sa amin. 
* Snap Inc internal data, Q3 2019 vs Q3 2020
Back To News