Bringing City Painter to Carnaby Street, London

Today, augmented reality is changing how we talk with our friends. There are over one million lenses on Snapchat, and more than 75% of our Daily Active Users interact with AR every day. But, we imagine a future where we’ll use AR to see the world in completely new ways. Today we’re taking the next step with Local Lenses, which evolves this technology and makes it possible to augment larger areas, including city blocks.
Ngayon, binabago na ng augmented reality ang pakikipag-usap natin sa mga kaibigan. Mayroon nang mahigit isang milyong lente a Snapchat, at mahigit 75% ng ating Daily Active Users ang gumagamit ng AR araw-araw. Pero pinapangarap nating gamitin sa hinaharap ang AR upang makita ang daigdig sa mga bagong paraan.
Noong nakaraang taon, ipinakilala natin ang Landmakers, na nagpahintulot sa Snapchat Camera na maunawaan ang mga indibidwal na gusali at nagpahintulot sa Lenses na makisalamuha sa ilan sa mga pinakamagagandang landmark ng daigdig. Mula sa Buckingham Palace, hanggang sa Flatiron Building sa New York, hanggang sa Taj Mahal, ang mga lugar na ito ay nabigyan ng buhay sa mga panibagong paraan mula sa pananaw ng mga pinakamalikhaing tao sa buong mundo, na masinsinang nag-ugnay sa ating pisikal at digital na daigdig sa isa't isa.
Ngayon, ginagawa na natin ang susunod na hakbang sa Local Lenses, na nagpapaunlad sa teknolohiyang ito at nagpapahintulot sa ating palakihin ang mas malalaking lugar, kabilang ang mga city block. Sa pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon mula sa mga 360-degrees na imahe, at Community Snaps, nakakapagbuo tayo ng digital na representasyon ng pisikal na daigdig, at nakakakita ng pinalaking karanasan mula sa iba't ibang pananaw. Sa pagsasama nito sa 3D reconstruction, machine learning at distributed cloud compute, kaya na nating imapa ang mga buong city block.
Ngayong linggo, makikita mo ang aming unang Local Lense sa Carnaby Street sa London, na tinatawag na City Painter. Maaaring sumali ang snapchatters sa isang tuloy-tuloy at pinagsasaluhang AR world na binuo sa ibabaw mismo ng pisikal na mundo, at magtulungan para pinturahan ang espasyong nakapalibot sa kanila. Hanapin ang icon sa Snap Map para makita kung malapit ka na. Kapag sama-sama, alam naming masisiyahan ka sa pagbibigay ng higit pang kulay sa mundo!
Back To News