Contributing to COVID-19 Relief

Today, to further support the global COVID-19 relief efforts, we're launching a new augmented reality donation experience, using Snapchat Lenses to bring awareness to the COVID-19 Solidarity Response Fund for the World Health Organization.
Sa pagpapatuloy ng pandaigdigang pandemya na COVID-19, ginagawang posible ng teknolohiya ng Snapchat na makipag-ugnayan sa friends, magdala ng kaalaman tungkol sa protocol sa kaligtasan habang nagbabago ang gabay sa pampublikong kalusugan, at manatiling may alam sa tulong ng mga pinagkakatiwalaang media publisher.
Mula sa Snapchat Calling hanggang sa Snap Camera, nagagawa ng friends na maging malapit sa isa't isa gamit ang boses at video. Lumaki nang mahigit 50% ang feature sa pagtawag ng Snapchat, na kadalasang ginagamit kasama ang mga karanasan sa AR, noong huling bahagi ng Marso kumpara noong huling bahagi ng Pebrero. *
Sa bagong tulong ng mga malikhaing tool, mabilis na naibahagi ng mga Snapchatter ang aprubado ng eksperto na mahuhusay na gawi sa kanilang mga kaibigan gamit ang kanilang mga Snap. Nakapaglunsad kami ng tatlong COVID-19 Lenses, kabilang na ang pang buong mundong Lens na may mga tip sa pananatiling ligtas gamit ang impormasyong nakuha mula sa World Health Organization. Umabot sa halos 130 milyong Snapchatter sa buong mundo ang Lenses na ito. **
At ngayon, para suportahan pa ang mga pandaigdigang pagsisikap sa pagtulong kaugnay sa COVID-19, maglulunsad kami ng bagong karanasan sa pag-donate sa pamamagitan ng augmented reality, gamit ang Lenses ng Snapchat para magdala ng kamalayan sa COVID-19 Solidarity Response Fund para sa World Health Organization.
Sa pamamagitan ng Snapchat camera, maaaring i-scan ng mga Snapchatter ang 23 internasyonal na salapi sa buong 33 bansa, na nagdala ng AR visualization kung paano sumusuporta ang mga donasyon sa mga pagsisikap sa agarang pagtugon ng World Health Organization para subaybayan ang pagkalat ng COVID-19, masiguro na nakukuha ng mga pasyente ang kinakailangan nilang pangangalaga, at mabigyan ang mga frontline worker ng mga kritikal na gamit. Madaling makakapag-donate ang mga Snapchatter, at mahihikayat ang friends na ganoon din ang gawin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Snap ng karanasan.
Dagdag pa rito, bibigyan ng mga media publisher na tumututok sa COVID-19 sa Discover platform namin ang mga Snapchatter ng opsyon na mag-swipe pataas para direktang makapag-donate mula sa content nila. Sa ngayon, mahigit 445 na Discover Stories o Shows ang na-produce tungkol sa COVID-19, at mahigit 68 milyong Snapchatter sa buong mundo ang nakakita na ng mga content na may kaugnayan sa COVID-19 sa Snapchat. Mahigit 40% ng Gen Z sa US ang gumagamit na sa content na ito para makakuha ng pinakabagong impormasyon. ***
Dahil sa patuloy na pag-apekto ng COVID-19 sa mga tao sa buong mundo, ang mga Snapchatter ay higit pang nakikipag-ugnayan sa kanilang friends, at makakahanap sila nang walang kahirap-hirap ng napapanahon at tamang stories kung papaano mananatiling ligtas, at magagawa nilang mag-donate at magdala ng kamalayan sa mga pagsisikap sa pagtulong na nakakagawa ng epekto.
__
Snap Inc. internal data Pebrero 22 - Marso 6, 2020 vs. Marso 16 - Marso 29, 2020.
** Snap Inc. internal data Marso 2020.
***Snap Inc. internal data Marso 1 - 29, 2020. Ang Gen Z ay binubuo ng mga Snapchatter na 13-24 na taong gulang. Napapailalim sa mga limitasyon ang data ng edad at lokasyon. Tingnan ang https://businesshelp.snapchat.com/en-US/a/audience-size-tool para sa mga detalye.
Balik sa Balita