Daft Punk: isang hidden track sa helmet sa loob ng 10 years?

Nakikipagtulungan ang AR Studio ng Snapchat, na naka-base sa Paris, sa creative team ng Daft Punk para ipagdiwang ang espesyal na paglulunsad ng Random Access Memories 10th Anniversary Edition sa Biyernes May 12
Nakikipagtulungan ang AR Studio ng Snapchat, na naka-base sa Paris, sa creative team ng Daft Punk para ipagdiwang ang espesyal na paglulunsad ng Random Access Memories 10th Anniversary Edition sa Biyernes, May 12. Bibigyang-buhay ng AR Studio ang “Daft Punk: Memories Unlocked,” isang series ng mga walang katulad na augmented reality experience, sa mga fan sa buong mundo.  
“Daft Punk: Memories Unlocked” 
Para ipagdiwang ang pinakahihintay na anniversary edition, gumawa ang AR Studio ng tatlong AR experience, na nagbibigay sa mga fan at Snapchatter ng immersive na music experience na eksklusibong available sa Snapchat lang.
AR Experience #1 - Isang track "hidden in plain sight" sa loob ng 10 taon?
Sa Miyerkules, May 10 nang 9am CET, 48 oras bago ilunsad ang anniversary edition, ilalahad sa buong mundo ang track na "Horizon," na orihinal na na-feature sa 2013 Japanese version ng album, sa pamamagitan ng augmented reality Lenses ng Snapchat. Magagamit ng mga fan ang camera ng Snapchat para i-scan ang orihinal na cover artwork ng Random Access Memories album para i-reveal ang bagong crystal helmet AR Lens at pakinggan ang "Horizon," na nakatago sa loob ng silver at gold helmet! Kapag nag-flip ng camera, maisusuot ng mga Snapchatter ang crystal helmet habang pinakikinggan ang kanta.
Ano ang proseso nito? 
Magagawa ng mga fan at Snapchatter na i-trigger ang experience sa May 10, 2023, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:
  • Buksan ang camera ng Snapchat
  • Itutok ang smartphone mo at i-scan ang silver at gold helmet sa orihinal na Random Access Memories album artwork (mga vinyl, CD, o streaming platform)
  • Lalabas nang full size ang bagong crystal helmet at sa AR sa itaas ng album at magsisimulang mag-play ang track na "Horizon." 
  • Itapat ang camera ng Snapchat sa mukha mo para isuot ang helmet
  • Kumuha ng Snap at mag-post sa Story o Spotlight mo para i-share sa malalapit mong friends.

AR Experience #2 - Treasure hunt sa 10 lungsod sa buong mundo
Sa Huwebes, May 11, ilulunsad ang isang treasure hunt sa 10 iconic na lugar sa buong mundo. Ipo-post ang mga GPS coordinate sa iba't ibang social media channel ng duo para bigyan ng mga clue ang mga fan kung saan pupunta at mahahanap ang 10 eksklusibong bagong AR experience sa buong mundo na ginawa ng AR Studio ng Snap. 
Iho-host ng sumusunod na 10 lungsod ang natatanging experience na ito: Paris (France), New York (USA), Los Angeles (USA), London (UK), Berlin (Germany), Mexico City (Mexico), Tokyo (Japan), Sydney (Australia), São Paulo (Brazil), at Buenos Aires (Argentina).
Ano ang proseso nito? 
Magagawa ng mga Fan at Snapchatter na i-trigger ang experience sa May 11, 2023 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:
  • I-follow ang mga social media channel ng band
  • Magkita-kita sa May 11 nang 10am sa lokal na oras sa lokasyong inanunsyo ng mga GPS coordinate na pinakamalapit sa iyo
  • Buksan ang camera ng Snapchat, at siguraduhing naka-enable ang geolocation ng Snapchat
  • I-launch ang "Daft Punk" Lens na lalabas sa Lens Carousel mo
  • Gamitin ang espestal na idinisenyong experience at i-share ito sa pinakamalalapit mong kaibigan gamit ang Snapchat Messaging at/o i-post ang Story o Spotlight mo

AR Experience #3 - Billboards Augmented: Inilunsad na ang bagong augmented reality helmet
Mula sa May 11–28, 2023, sa 6 na bansa sa buong mundo, madi-discover ng publiko ang bagong 10th anniversary crystal helmet sa pamamagitan ng isang extensive na out-of-home billboard campaign. Sa pag-scan sa QR code na nasa billboard, maa-acess ng mga fan at Snapchatter ang bagong AR Lens na may naka-embed na "Horizon" track.
Magkakaroon ng pagkakataon ang 6 na bansa na ma-experience ang mga bagong helmet sa Paris, New York, Los Angeles, Mexico City, Sydney, London, Liverpool, at Berlin.
Ano ang proseso nito?
  • Pumunta sa mga na-advertise na lokasyon 
  • Buksan ang camera ng smartphone mo
  • I-scan ang QR code na nasa sign
  • Ire-redirect ka nito sa Camera ng Snapchat mo
  • Lalabas nang napakalaki at sa augmented reality ang bagong crystal helmet sa itaas ng album at magpi-play ang track na "Horizon." 
  • Itapat ang camera ng Snapchat sa mukha mo para subukan ang helmet
  • I-share ito sa malalapit mong friends sa pamamagitan ng Snapchat Messaging at/o mag-post sa Sotry at Spotlight mo
Balik sa Balita