8th of March, 8 women

Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan (International Women's Day), March 8, 2023, pinaparangalan ng AR Studio ng Snap sa Paris ang 8 sumasagisag na kababaihan sa 8 pangunahing lungsod sa France (Paris, Lyon, Marseille, Bordeaux, Lille, Strasbourg, Metz, at Nantes) sa pamamagitan ng natatanging augmented reality experience: 8th of March, 8 women.

Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan (International Women's Day), March 8, 2023, pinaparangalan ng AR Studio ng Snap sa Paris ang 8 sumasagisag na kababaihan sa 8 pangunahing lungsod sa France (Paris, Lyon, Marseille, Bordeaux, Lille, Strasbourg, Metz, at Nantes) sa pamamagitan ng natatanging augmented reality experience: 8th of March, 8 women.

Bagama't halos kasing dami lamang ng mga kalalakihan ang mga kababaihan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng France, ang karamihan ng mga eskultura sa mga urban na espasyo sa France  (mga plaza, hardin, at kalye) ay pinaparangalan lamang ang mga tanyag na lalaki. Kaya naman isinabuhay ng AR Studio ng Snap ang mga AR na estatwa ng mga kababaihang nag-iwan ng kanilang marka sa kasaysayan ng France sa larangan ng pulitika, sining, pilosopiya, at pangmilitar. Inilagay ang mga AR na estatwang ito sa tabi ng mga pisikal na estatwa ng kanilang mga katapat na lalaki, pinaparangalan ang mga napagtagumpayan ng mga dakilang kababaihang ito at ipinagdiriwang ang kanilang mga kontribusyon sa mga karapatan at kondisyon ng kababaihan sa lipunang Pranses.

8th of March, 8 women

Ang AR experience na 8th of March, 8 women ay magiging available mula March 8, 2023, at itatampok ang mga sumusunod na mahahalagang babae na tumatak sa kasaysayan ng France:

  • Simone Veil: Kampeon ng mga karapatan ng kababaihan, sagisag ng batas noong 1975 na naglegalisa sa pagpapalaglag, at ang unang babaeng pangulo ng European Parliament. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Heneral Charles de Gaulle sa rotonda ng Champs-Elysées sa Paris.

  • Simone de Beauvoir: Isang kinikilalang manunulat at pilosopo ng kilusang eksistensyalismo. Bilang anti-conformist, itinaguyod niya ang emansipasyon ng mga kababaihan sa kanyang mga akda, gaya ng kanyang aklat noong 1949 na The Second Sex, at naging isa sa mga tagapanguna ng femenismo sa France noong ika-20 siglo. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Antoine de Saint-Exupéry sa Place Bellecour sa Lyon.

  • Elisabeth Vigée Le Brun: Nakapasok sa Royal Academy of Painting and Sculpture noong 1783 at ang opisyal na pintor kay Marie Antoinette, nakamit niya ang tagumpay at kasikatan sa mundo ng sining sa kabila ng maraming balakid na kinakaharap ng mga babaeng alagad ng sining sa kanyang panahon. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Pierre Puget sa Parc Borély sa Marseille.

  • Françoise de Graffigny:  Isa sa mga pinakasumasagisag na babae na tumatak sa ika-18 siglong literaturang Pranses, na pinakatanyag  para sa kanyang pilosopikal na sanaysay na Letters from a Peruvian Woman na inilathala noong 1747. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Montesquieu sa Place des Quinconces sa Bordeaux.

  • Manon Tardon: Simbolo ng French Resistance at Free France, naroon siya noong May 8, 1945 sa Berlin nang lagdaan ang pagsuko ng Nazi Germany. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Philippe Leclerc de Hauteclocque sa Square Amiral Halgan sa Nantes.

  • Josephine Baker: Isang mang-aawit, aktres, feminista, showgirl, at manlalaban sa French resistance, si Josephine Baker ay isang espiya para sa Free French Forces, isang sagisag ng Paris of the Roaring Twenties, at isang maimpluwensyang tao sa laban kontra segregasyon ayon sa lahi. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Jean Moulin sa Gare Centrale sa Metz.

  • Olympe de Gouges: Pangunahing may-akda ng Deklarasyon ng mga Karapatan ng Babae at ng Mamamayan na inilathala noong 1791, itinuturing siyang isa mga tagapanguna ng femenismo sa France. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Jean-Baptiste Kléber sa Place Kléber sa Strasbourg.

  • Hubertine Auclert: Mamamahayag, feminista, aktibista, at tagapagtatag ng samahang Le droit des femmes (ibig sabihin: Samahan para sa mga karapatan ng kababaihan) noong 1876, itinaguyod niya ang kasarinlang pang-ekonomiya, ang karapatan sa edukasyon, at ang pagkakapantay-pantay sa kasal at diborsyo ng mga kababaihan. Ilalagay ang kanyang augmented reality na estatwa sa tabi ng pisikal na estatwa ni Léon Trulin sa Place du Théâtre, hindi kalayuan mula sa Lille Opera.


Para idisenyo ang augmented reality experience na ito, isang team na nakatuon sa proyekto sa loob ng AR Studio Paris, kasama na ang isang babaeng 3D artist at isang babaeng AR engineer, ang nag-isip, lumilok sa mga estatwa, at bumuo sa interactivity, upang isabuhay ang mga augmented reality experience na ito at mag-alok ng mga representasyon ng mga kababaihang ito na malapit sa katotohanan hangga't maaari.

" Sa pamamagitan ng makabagong karanasang ito na inilagay sa 8 lungsod sa France, gusto naming magbigay pugay sa 8 kababaihan na nagpabago sa kasaysayan at lipunan ng France sa pamamagitan ng kanilang mga pagkilos, kanilang mga akda, o kanilang mga posisyon. Dahil sa mga augmented reality na teknolohiya ng Snap, naipagdiwang namin ang 8 kababaihang ito sa pamamagitan ng pagbuo ng kanilang mga estatwa sa pampublikong espasyo at paglalagay sa mga ito sa tabi ng mga estatwa ng mga kalalakihan. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng tahimik na usapan sa pagitan ng mga taong ito na tumatak sa kasaysayan, ang hiling namin ay itaas ang kamalayan ng publiko sa laban para sa mga karapatan ng kababaihan."  — Donatien Bozon, AR Studio Director.

Paano i-activate ang Lens : 

Mati-trigger ng mga Snapchatter at bisita sa site ang Lens mula March 8, 2023 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:

  • Pumunta sa iyong gustong lokasyon at tumayo sa harap ng pisikal na estatwa.

  • Buksan ang Snapchat application.

  • I-launch ang 8th of March, 8 women Lens, na available sa carousel.

  • Itapat ang iyong smartphone sa estatwa.

  • Lalabas ang augmented reality na estatwa sa totoong sukat sa tabi ng pisikal na estatwa.

  • I-share sa iyong malalapit na kaibigan gamit ang Snap, i-post sa iyong Story, o sa Spotlight.


Pwede ring makakita ang mga Snapchatter ng miniature na bersyon ng mga estatwa sa pamamagitan ng pag-scan sa mga QR Code na nasa ibaba:

Bumalik sa Mga Balita