Introducing Group Video Chat

We designed Chat to feel less like texting and more like hanging out. That’s why when a friend opens Chat, their Bitmoji pops up to say “I’m here!” — and why your Chat conversations aren’t saved forever, by default.
Idinisenyo namin ang Chat sa paraang mararamdaman mong kasama mo ang kaibigan mo kapag ginagamit mo 'to, hindi sa paraang mas mararamdaman mong nagte-text ka lang. Kaya kapag may kaibigang nagbukas ng Chat, lalabas ang Bitmoji nila para sabihing "Narito ako!" — at ito rin ang dahilan kung bakit hindi habambuhay na nase-save dito bilang default ang mga chat mo.
Ngayon, ginagawa nating mas masaya ang Chat. Pwede ka na ngayong makipag-video chat sa hanggang 16 na kaibigan sa isang tawag. I-tap lang ang video camera icon sa Group Chat para mapagsama-sama ang mga kaibigan mo! Makakatanggap ng notipikasyon ang mga kaibigan mo sa Group Chat para sumali.
Nasa sa'yo na kung paano mo ipapahayag ang sarili mo. Pwede mong gamitin ang Lenses, sumali lang gamit ang boses mo, o magpadala ng mga mensahe na mababasa ng iba habang nakikipag-usap. Natatangi ang bawat pag-uusap!
Magagamit ng mga Snapchatter sa buong mundo ang Group Video Chat ngayong linggo.
Happy Chatting!
Back To News