Setyembre 19, 2023
Setyembre 19, 2023

Ang Snap ay Magho-host ng Lens Fest para sa mga AR Developers sa Buong Mundo

Ang live stream na kaganapan sa ika-9 ng Nobyembre, 2023 ay magtitipon ng mga creator, developer, at partner para sa taunang pagdiriwang ng Snap ng augmented reality na teknolohiya

Ngayong araw, inaanunsyo namin na ang ikaanim na taunang Lens Fest ng Snap ay ila-livestream sa ika-9 ng Nobyembre, 2023. Iniimbitahan namin ang mga developer, partner, at creator na sumali sa amin para sa isang araw ng mga anunsyo, virtual session, networking, at iba pa. Ang pagpaparehistro ay bukas na sa ar.snap.com/lens-fest

Kami ay nagagalak na magkaroon ng pagkakataong pagsasama-samahin ang masiglang komunidad ng SNAP AR ng mga visionary, innovator, at dreamer na nakikipagtulungan sa amin upang itulak ang mga hangganan, muling tukuyin kung ano ang posible sa pamamagitan ng augmented reality, kasabay ng pagbuo ng mga negyoso. 

Bukod pa rito, hinihikayat namin ang mga developer na magsumite ng mga nominasyon para sa Lens Fest Awards upang makilala para sa kanilang mga nilikha sa panahon ng kaganapan. Kami ay nasasabik na ipagdiwang ang aming komunidad at ihayag kung ano ang susunod sa plataporma ng Snap AR. 

Balik sa Balita