
"More Snapchat" Live sa 2024 NewFronts
Narito na ang mga bagong solusyon at mga programa para sa advertisers
Ang Snapchat ay sadyang ginawa para maging kakaiba sa tradisyonal na social media at bilang isang lugar kung saan makakapag-usap ang totoong magkakaibigan at pamilya. Ang platform namin na relationship-driven at ang masaya, aktibo, at lumalagong komunidad na may 422 milyong active users ay nakapaglikha ng isang positibong environment kung saan ang brands at advertisers ay puwedeng magdikta ng mas magandang outcomes.
Ngayon, ang Snap ay bumalik sa IAB NewFronts nang may “More Snapchat" para bigyang-buhay ang magic ng Snapchat para sa partners at i-announce ang mga bagong solusyon, mga programa, at content partnerships para sa advertisers na mag-connect sa unique at lumalagong audience ng Snapchat. Sa paggamit ng makabagong multimedia projection mapping technology, nire-imagine namin ang historic na Cipriani 25 Broadway para maging isang immersive na karanasan na nag-capture ng spirit, vibrancy, at masayang mundo ng Snapchat.

Mga AR Extension
Sa Mga AR Extension, pagagandahin namin ang paraan kung paano nae-experience ng Snapchatters ang ads, habang hinahayaan ang advertisers na i-integrate ang AR Lenses at Filters nang diretso sa lahat ng aming ad formats, kasama ang Dynamic Product Ads, Snap Ads, Collection Ads, Commercials, at Spotlight Ads. Maipapakita ng advertisers ang mga produkto nila at masi-share ang kanilang branded na mundo sa Snapchatters sa pamamagitan ng augmented reality nang diretso sa pamamagitan ng kanilang ads.

Bagong AR at ML Tools
Nag-i-invest kami sa Machine Learning at automation para ang AR asset creation ay maging mas mabilis at mas madali. Ngayon ay napa-ikli na namin ang oras para sa create AR try-on assets nang tama ang scale nito at makakatulong sa brands na mula sa kanilang 2D product catalogs ay gawing try-on experiences ang mga ito. At, sa ML Face Effects, ang brands ay puwede nang gumawa ng create branded AR ads gamit ang Generative AI technology na nag-a-allow sa custom-produced Lenses. Ang bagong capability na ito ay nagbibigay-daan sa brands na mabilis na mag-generate ng kakaibang machine learning model, gumawa ng parang totoong face effects, at mag-generate selfie experiences para sa Snapchatters.
523 Program at Ensemble
Pinapahusay namin ang aming 523 creator accelerator program sa pakikipag-partner sa award-winning na actress, writer, at producer na si Issa Rae at ang kanyang branded entertainment company na Ensemble para makatulong sa brands partner at makagawa ng content nang may 523 participants. Magkapareho kami ng misyon ng Ensemble na mapakalat sa mas maraming tao ang mga kuwento ng creators mula sa mga hindi pa masyadong kilalang mga komunidad. Magkasama, mai-empower namin ang isang klase ng 523 na storytellers habang nagbibigay ng oportunidad sa brands na maki-collaborate nang direkta sa kanila.
Mga Sports Partnership at Mga Program
Inannounce namin ang ilang oportunidad para sa sponsorhip habang nangyayari ang mga pinaka-importanteng sandali sa sports. Para sa NBCUniversal’s Paris 2024 Olympic Games, nakipag-partner ang Snap sa NBCUniversal para dalhin ang aming mundo sa summer games. Sa unang pagkakataon, ang ilan sa aming pinaka-kilalang creators tulad nina Livvy Dunne, at Harry Jowsey ay pupunta sa Paris para magbigay ng mga bagong perspektibo, habang nagre-report mula sa pinaka-exciting na events gamit ang kanilang kakaibang pananaw.
Magkakaroon din ng AR experiences na gawa ng aming sariling AR team, Arcadia, para ang aming komunidad ay mai-immerse ang sarili nila sa coverage ng NBC, pati na rin ang araw-araw na palabas mula sa NBC na magpapakita ng pinaka-exciting na highlights mula sa Paris. Hindi kami makahintay na makita kung paano magsasama-sama ang mga tao para sa Games sa mga bagong paraan na ito.
Ipinagpapatuloy din namin ang aming matagal nang pakikipag-partner sa WNBA, NBA, at NFL, para magbigay ng opisyal na content sa Stories at Spotlight para sa aming komunidad.
At, nilu-launch namin ang Snap Sports Network, ang sports channel sa loob ng Snapchat na magu-ulat tungkol sa mga hindi karaniwang sports, tulad dog surfing, extreme ironing, water bottle flipping, at iba pa. Ang Snap Sports Network ay isang bagong klaseng content program na mapakikinabangan ng brands sa pamamagitan sponsorships at product integrations. Sa pamamagitan ng magkahalong user-generated content, scripted content mula sa Snap Stars, at AR applications, ang Snap Sports Network ay maglilikha ng mga oportunidad sa ating komunidad na magkaroon ng mas aktibong papel sa experience. Excited na kaming mag-launch ng partners e.l.f. at Taco Bell Sumama na kayo sa amin sa aksyon.

Ang Snap Nation
Ang kapangyarihan ng totoong relationships sa Snapchat ay pinagtitibay ng iba't ibang hilig ng aming komunidad, at ipinakikila namin ang bagong paraan para sa Snapchatters na magsama-sama sa kanilang parehong hilig. Ang Snap Nation ay ang exciting na ebolusyon ng aming pakikipag-partner sa Live Nation na nagbibigay ng access sa Snapchatters sa aming tour at festival experiences na nagmumula lang sa Live Nation.
Makikita ng Snapchatters ang mga ekslusibong behind-the-scenes content mula sa kanilang mga paboritong artist at mapapanood ang magic ng live music experiences sa pamamagitan ng Snap Nation Public Profile. Dagdag pa rito, magpapakita rin ang Snapchat ng mga piling stories mula sa Live Nation concerts at festivals na itinatampok ang public Spotlights mula sa Snapchatters, Snap Stars, fans, at artists, na kino-cover ang kumpletong experience mula sa kanilang perspektibo.
Ang advertisers mula sa US ay makakapag-participate via branded content sa creator Stories, ads sa Snap Nation Stories, AR Lenses leveraging Live Nation IP, at marami pa. Sa susunod na taon, ang Snap Nation ay malu-launch sa 30 festivals at tours sa buong bansa.

Mga Improvement ng Ad Platform
Nananatili kaming focused sa pag-i-invest sa aming ad business at sa pagde-deliver ng masusukat na mga resulta para sa aming advertising partners. Sa Q1 2024, napalago namin ang aming revenue ng 21% YoY, dala ng improvements na ginagawa namin sa aming platform, kasama ang nagpapatuloy na momentum sa aming 7-0 Pixel Purchase optimization model, ang aming revamped Conversions API (CAPI), bagong campaign setup tools, at marami pa.
Nae-encourage kami sa lumalaking demand na nakikita namin para sa aming direct response solutions, at magpapatuloy sa aming ginagawa para magkaroon ng mas epektibo at mabisang platform para sa aming partners. Alamin ang mas marami pang detalye tungkol sa aming pag-unlad dito.
Umaasa kami sa aming pakikipagtulungan sa aming advertising, content, at creator partners para maihatid sa lahat ang mga bagong oportunidad na ito!